"Napaaraming pangyayari ang bumubulabog sa aking isipan." Ika nga ni Erri. "Ngunit, ang pangyayaring yun lang talaga ang di ko maalis-alis sa aking isipan." Dugtong pa niya. Ano kaya ang bumubulabog sa isipan ng isang magandang dilag tulad niya? Hindi kaya'y siya ay may napupusuan? Tunghayan natin ang kwento ni Erri.
"Lalala... Don't cha wish your girlfriend was hot like me!" Paawit na kanta ni Erri habang siya'y naliligo. "Erri! Tigilan mo na iyang paawit-awit mo riyan! Malapit na tayong mahuli sa klase! Unang araw pa naman ng pasukan!" Sigaw ng kuya niyang si Paolo. "Opo, kuya! Sandali na lang po at matatapos na ako!" Sagot naman ni Erri. Matapos maligo ni Erri ay agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto at dali-daling nagbihis. Tapos na si Erri. Agad silang dumiretso ng kuya niya sa kanilang kotse nang walang kalaman-laman ang sikmura. Sabik na rin kasi silang pumasok sa kanilang bagong paaralan, sa St. Theresa High School.
Pumasok na sina Paolo at Erri sa kani-kanilang mga silid-aralan at naghanap ng mauupuan. Si Erri ay nasa ikalawang taon ng hayskul samantalang si Paolo naman ay nasa ika-apat na taon na ng hayskul. Sa silid-aralan ni Paolo ay nagsimula na silang magpakilala sa isa't isa. Si Paolo ang napili ng kanyang guro na mag-umpisa sa pagpapakilala. "Ako nga po pala si Paolo Alejandro Erico G. Villavenitica at binabati ko po kayo ng isang kaaya-ayang umaga." Ang sabi ni Paolo na tilang may halong pambobola, "Ako'y labing-anim na taong gulang at ipinanganak sa Paris corner Hilton Springs, Cebu City. Lumipat kami ng kapatid ko dito sa Maynila dahil gusto naming makipagsapalaran. Nag-aral nga pala ako sa Holy Trinity College." Ang magandang pagpapakilala ni Paolo sa kanyang mga kamag-aral. Samantala, sa silid-aralan naman ni Erri, siya ang pinakahuling napili ng kanyang guro para magpakilala. "Uhm, magandang umaga po, mga friendsters!" Panimulang bati ni Erri, "Ako nga pala si Paula Alejandra Erica G. Villavenitica, labing-apat na taong gulang. Ipinanganak noong June 30, 1995. Kasalukuyan akong nakatira sa sa Gold Subdivision at lilipat na rin sa Platinum Village. May kuya akong nasa ika-apat na taon at siya ay Paolo Alejandro Erico G. Villavenitica. Maraming salamat po!" Ang tilang kaunting pag mamayabang ng dalaga. Ngunit, marami pa rin naman ang nabighani sa kanya. Biglang tumunog ang kampana, kabiyak nun ay ang hudyat ng lunch time.
"Pare, ako nga pala si Yael. Ano nga ba ulit ang pangalan mo?" Tanong ng isang lalakeng nagngangalang "Yael". "Ako nga pala si Paolo. Napaka-cool naman ng pangalan mo, tsong!" Pabirong sagot ni Paolo. "Yzmael Alexander Ericsson Linascano ang tunay kong pangalan. Galing ako sa isang mayamang pamilya. Labing-anim na taong gulang na rin ako. Sa katunayan nga ay bago lang lumipas ang aking kaarawan." Wika ni Yael. "Talaga, 'tol?" Napatanong si Paolo. "Oo, noong June 30 lang." "Talaga? Kung ganun, magkapareho kayo ng kaarawan ng kapatid ko! Di lang nga pala si Erri kundi yung bespren kong si Bart." Napatalong sagot ni Paolo, "May kilala rin akong grade 4 noon, doon sa dati kong paaralan. Paula Alejandra Erica G. Villavenitica ang pangalan niya. Natuwa ako sa regalo niya." Ang salaysay ni Yael. "Teka, pareng Bart? Ikaw ba iyan?" Tanong ni Paolo. "Sino pa bang iba?" Sagot ni Yael. "Wow! Di na kita nakilala ah! Kumusta ka na?" Biglang-bigla si Paolo sa kanyang nalaman. Habang nagkukuwentuhan ang magkaibigan, naglalakad naman si Erri patungong cafeteria upang makakain na. Umorder ito ng isang sandwich at espresso.
"Haaay salamat!!! Makakakain na rin. Yum!!!" Napasigaw siya sa sobrang gutom. "Erri!!! Pwede ba kaming sumabay sa iyo?" Tanong ng kanyang kuya na ubod ng ulit. "Oo naman, kuya. Halina kayo!" Sagot ni Erri. "Ah! Siya nga pala, Erri, siya si Yael. Yael, siya si Erri, ang kapatid kong napakakulit." Pagpapakilala ni Paolo sa kanila. "Kuya naman! Ehehe... Ako nga pala si Paula Alejandra Erica G. Villavenitica, Erri for short. :)" Ang pakipot na introduksyon ni Erri. "Ako naman pala si Yzmael Alexander Ericsson Linascano, kamag-aral ko ang kuya mo. Ang ganda naman ng pangalan mo. :)" Pambobolang sagot ni Yael. "Cool nga ng pangalan mo eh." Sagot naman ni Erri. "Tama na nga yan at kumain na muna tayo." Sabad ni Paolo. Masayang nagkainan ang tatlo. Konting kuwentuhan at kulitan at maya-maya'y nabuwag ang landas nilang tatlo.
Malipas ang ilang minuto ay hinanap ni Yael si Erri at nagkataong nakita niya itong mag-isa sa silid. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataong malapitan si Erri. "Erri!" Ang masayang pagtawag ni Yael, "Oh, kuya Yael! Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo?" Ang malugod na pagsagot ni Erri. "Erri, may aaminin sana ako sa iyo eh. Uhm... Erica, matagal na kitang gusto. Hindi mo lang alam yun. Palagi kitang sinusundan kahit nung nasa Cebu pa lang tayo." Ang emosyonal na pag-amin ni Yael. "Ha? Anong ibig mong sabihin nung nasa Holy Trinity College pa tayo? Doon ka rin ba nag-aaral noon? Ngunit, bakit hindi ka namin kilala? Sino ka ba talaga?" Ang mangiyak-ngiyak na sagot ni Erri. "Hindi mo ako kilala bilang 'Yael' sa HTC, kundi 'Boogie Angelo Ramon Tamanagon' o 'Bart'. Hindi mo na ba ako namumukhaan? Hindi mo na ba naaalala noong grade 4 ka pa at grade 6 ako, na inamin mo sa akin na may gusto ka sa akin? Hindi mo na ba naaalala yun?" Ang lakas-loob na pagsagot ni Yael. "Kuya Bart? Ikaw ba yan? It's been 5 years na hinihintay kong makita ang pungay ng iyong mga matang nakatitig sa mga mata ko. Ngayon, natupad na ang mga pangarap kong makasama ka. Kapag ikinukuwento ka ni kuya, palagi akong namamangha sa iyo. Ngunit, bakit ngayon mo lang inamin?" Ang tanong ng litung-lito na si Erri. "Hmmm. Mahirap din run sa parte ko. Limang taon akong nagpaka-torpe at pinaasa lang kita! Sana hindi ko na ginawa yun. Patawarin mo ako, Erica! Mahal na mahal kita! Dapat inamin ko na ito nung second year pa ako."
"Oh! Ba't umiiyak si Bart? Este, Yael nga pala ang totoong pangalan mo. Kumusta na kayong dalawa? Okey na ba kayo?" Tanong ni Paolo. "Kuya, alam mo rin?" Nagtatakang sagot ng dalaga. "Kanina ko lang nalaman yun, Erri. Ano? Nililigawan ka na ba ng kumag na ito?" Ang kinikilig na tanong ni Paolo. "Oo, kuya. Pero natatakot ako sa iyo pati kina mama at papa eh." Sagot ni Erri. "Huwag kang mag-alala. Alam na nila mama at papa kaya tanggap na nila si Yael. Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat hanggang sa naintindihan na rin nila ako." Ang paliwanag ni Paolo. "Tsong! Maraming salamat sa tulong mo. Alam mong mahal na mahal ko ang kapatid mo kahit nung nasa grade 6 pa tayo." Ang taos-pusong pasasalamat ni Yael.
Maya-maya pa ay lumapit na si Yael kay Erri.
Yael: Paula Alejandra Erica Villavenitica, to make this official, maaari ba kitang maging girlfriend?
Erri: Kuya Yael, alam kong matagal tayong nagtatago sa katotohanang mahal natin ang isa't isa. Ninakaw mo na ang pinaka-sandali ng aking buhay. Kaya't hindi na rin kita pakakawalan. Oo ang sagot ko.
Yael: Talaga? Seryoso ka? Yeeeeesssss!!! MAHAL NA MAHAL KITA, ERRI!
Paolo: Oh. Congrats, tsong! Alagaan mong mabuti ang kapatid ko ha?
Yael: Oo naman, pare! Araw-araw naman tayong magkakasama!
Napakasaya ng tatlo. At "kring-kring!" tunog ng kampana na hudyat ng kanilang class time. Hindi nila maalis-alis ang ngiti sa kanilang mga mata at labi. Tuwang-tuwa sila tatlo dahil nagkasama-sama ba sila. Tila napaka-mapaglaro naman ang tadhana. Biruin niyong limang taon ng nagmamahalan ang magsing-irog ngunit ngayon lamang nalantad ang napakatagal ng lihim. Sana'y matagal sila at mabuhay ng nawa'y masaya at punong-puno ng ligaya.
--------WAKAS--------