Umaasang babalik ka pa
Umaasang magiging okay pa ang lahat
Ngunit alam kong malabong mangyari
Ang hinihiling at hinanaing ng pusong sawi
Heto pa rin naman ako
Isang tawag o text mo lang, agad kang pupuntahan
Hanggang kailan bang ganito?
Kailan nga ba matututo?
Bakit pa ba nahulog sa patibong ng pag-ibig mo?
Bakit pa ba naniwala sa mga pangakong binitawan mo?
Wala na nga bang halaga ang mga ala-ala?
Pero salamat sa sakit, sana ikaw ay maligaya
Ilang gabi na bang umiiyak?
Mga mata’t unan ay punong-puno ng mga luha
Kailan pa ba maaayos ang pusong nabiyak?
Kailan ba matututo at muli nang tatawa?
Pasensya na’t minahal pa kita
Pasensya na’t ako ay umasa
Ako na ang lalayo, palalayain ang sarili ko
Sa sakit at hinagpis na nararamdaman ng pusong winasak mo
Ako ngayo’y natuto na, ngumingiti at masaya
Nangako na iingatan ang sarili at puso ko
Sarili ko yung mahalaga at hindi ang ala-ala
Sobrang salamat sa sakit, natutunan ko na ring lumigaya