Launchorasince 2014
← Stories

Nang Tayo Pa

Naalala ko pa `yung mga ngiti mo na ako ang dahilan

Mga matatamis na salitang sa akin mo lamang ipinahahayag

Ikaw ang una't-huling kausap sa bawat araw na lumipas

Mga mensahe mo’y nakatatak parin, at bakit nga ba kay hirap kalimutan?


Masarap balikan ang mga alala-alang naging parte ng ating nakaraan

Ngunit may kaakibat itong sakit sa tuwing maalala kung paanong bigla nalang nawala

Na kung bakit nga ba ang in a Relationship Status natin ay naging Complicated?

Ako ba ang may kulang? O sadyang hindi lang talaga tayo ang para sa isa’t-isa?


Nang tayo pa pakiramdam ko ikaw na, ikaw na talaga!

Ikaw na makakasama ko sa panghabangbuhay

Ikaw, na katapat ng Ako.

Ikaw sana... Ikaw sana na kasama ko ngayon.


Bakit hindi natin ipinaglaban ng may pagkakataon pa?

Nang ang mga ngiti at saya ay atin pang mapagsaluhan

Bakit kailangan kaagad bumitaw? Kung kaya pa naman sanang maisalba

Bakit? Ang paulit-ulit na tanong sa aking isipan.


Sa pagtalikod mo mga luha’y nagsilandasan

Mga luhang nagsasabing ika’y minahal ko ng lubusan

Pagmamahal na ipinaramdam mo noon sa akin

Gaya noon nang TAYO pa habang wala pa nang KAYO ngayon.


-------------------------------

All Rights Reserved

©Copy Right 2017

@remus

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required