Are you sure you want to report this content?
(Hango sa spoken poetry na narinig ko ng isang beses pero ito ay nakabase sa nararamdaman ko ngayon)
Patawarin mo ako, sa pag-ibig na hinayaang lamunin ang pusong nagsusumamo na mahalin mo.
At papatawarin din kita sa pang-aabuso sa kahinaan ng pagmamahal ko.
Patawarin mo ako, sa mga oras na madalas nagpapansin ako,
At papatawarin din kita sa mga panahong hindi mo binigyang halaga ang panlilimos ko.
Patawarin mo ako, sa matagal na panahong itinali ang pusong umaasa na hahawakan mo.
At papatawarin din kita, sa paulit- ulit na pagbitaw tuwing may ibang nagpapasaya sayo.
Patawarin mo ako, nung ipinagsiksikan ang sarili sa mundo mo
At papatawarin din kita sa pagsarado ng pinto para di ako makapasok at maging bahagi nito.
Patawarin mo ako, kung ang pagkakaibigan ay nauwi sa pagmamahalan
At papatawarin din kita sa hindi pagbibigay ng pagkakataon na mahalin ka.
Patawarin mo ako, sa pagsasabi ng sakit at hinagpis na natamo ko.
At papatawarin din kita, sa masakit na katotohanang wala kang pakealam sa nararamdaman ko.
Patawarin mo ako, na dati'y sobrang mahal kita at ikaw ang mundo ko.
At papatawarin kita dahil kahit minsan hindi ko nadama, na mahalaga ako sayo.
Patawarin mo ako, dahil naisulat ko ang tulang makakapagbago sayo.
Patawarin mo ako dahil suko na ako.
Patawarin mo ako dahil napagod ako at wala nang mangungulit at mang-gugulo sayo.
At sa huli, papatawarin kita *bitter smile* dahil may mahal kang iba.
333 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on June 03, 2017
(5)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.