Are you sure you want to report this content?
Sinimulan mo ako sa mga mabubulaklak mong salita.
Sinundan mo ng mga gawa.
At ngayon sinong kawawa?
Diba ako na lumuluha?
Isang gabi ika'y umamin
Sobrang saya at masarap sa feeling.
Hindi ko kasi inakala
Loob mo'y mahuhulog rin.
Noong gabing ding iyon tinanong mo ako
"Pwede na ba kitang ligawan?" sabi mo.
Akala ko ika'y nagbibiro
Yun pala ika'y seryoso.
Nagprapractice tayo para sa isang presentasyon.
Nang tinanong mo ulit ako nang makuha mo ang aking atensyon.
Sabi ko nama'y "Okay lang sakin,pero sa aking magulang ay di ko alam"
Sabi mo "Sa susunod na pagkakataon ako'y magpapaalam".
Araw araw nagkukulitan
Minsan pa'y may pinagaawayan
ngunit lahat ng iyon ay napakaliit na bagay
kaya't hindi nangamba na iyon ay hindi masosolusyunan.
Isang biyernes sa buwan ng marso
ako'y binigla sa isang surpresa
sabi mo "Ako'y hindi makasasama"
Kaya ang sagot ko'y "sige lang may susunod pa naman".
Nagulat ako ng ika'y makita
sa lugar kung saan dapat tayo'y makakagala.
Kinantahan mo pa ako ng Kundiman
at sabi sa kanta'y di iiwan.
Lalo pa tayong nagkalapit
Kahit pagrereview para sa exam tayo'y magkadikit.
Oras oras tayong magkatabi
Kahit pa sa paguwi.
Nang nagbakasyon, Ika'y unti unting lumalamig
Isa,lima,sampung araw na hindi nagkausap.
Ako'y nagulat ng makitang nagchat ka
Isang simpleng "Hi" napatawad na agad kita.
Buwan ng Abril, nararamdaman ko nang may mali
Kaya't pinalipas ko ang buwan na iyon para mag muni muni.
Pangalawang araw sa buwan ng Mayo
Naglakas loob akong tanungin ka kung okay pa tayo.
Sumagot ka rin makalipas ng ilang sandali
pero ang nakuhang sagot ay hindi kahili-hili.
Pagkatapos ng ilang buwan ng samahan
Mauuwi din pala ako sa iyakan.
Nagkita tayo noong isang araw sa bahay ng isang kaklase
Hindi kita matingnan dahil baka ako'y mawalan na naman ng balanse.
Nagkita muli tayo ng hindi sinasadya
At nung araw na yon ay hindi na naman ako handa.
Hanggang ngayon ako'y nasasaktan
Umaasa na maaari pang magkabalikan.
Hindi man tayo naging opisyal
pero alam nating ang samahan natin ay naging espesyal.
Lagi pa din kitang naiisip
hindi ko lang maamin sa ibang taong nasa paligid.
Akala siguro nila'y madali lang ito para sakin
pero ang totoo hindi na kaya tiisin.
Kung tayo man ay magkikita at magkakasamang muli
malalaman natin na ang oras kahapon ay mali.
Ang Diyos na ang bahala sa atin
sa susunod na yugto nang storya natin.
❝ Love isn't something you find. Love is something that finds you. ❞
21123 Launches
Part of the Love collection
Updated on February 18, 2018
(10)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.