Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Masaya naman akong malaman na okay ka
Kahit gusto ko sana kausap kita
Pilit ko na namang pinipigilan ang sarili ko na ichat ka,
Kase ilang beses ka narin namang nag seen diba?
Pero ang bawat pigil ay sadyang madugong labanan talaga.
Hiling ko lang naman na sana hayaan mo muna ako,
Hayaan mo muna akong umasa ng ganito
Hayaan mo muna na patuloy kitang gustuhin,
Gustuhin kahit ayaw mo naman sa akin
Pero hindi naman ako umaasang magustuhan mo
Dahil kapag tama na, uusad na ako
Kapag tama na, titigil na ako sa pagpapapansin sa’yo
Ititigil ko na ang mga post na parinig sa fb story ko
Darating din yung araw na titigil na ako sa pagbisita sa convo natin kung nag reply ka ba
Darating din yung araw na titigil na ako sa pag-asa na ikaw ay makikipagkita
Darating din yung araw na hindi ko na bibisatahin yung profile mo
Darating din yung araw na hindi na ikaw ang iisipin ko sa bawat tarot card reading sa tiktok ko
Kapag tama na, malilimutan ko na ang iyong makukulit na banat
Kapag tama na, hindi na ako magsiscreenshot ng my day mo at mabubura ko na lahat
Kapag tama na, hindi na ikaw ang magiging laman ng puso't isip ko
Kapag tama na, ako'y makakalaya at makakausad na
Kaya hayaan mo muna ako pansamantala
Kasi darating rin ako sa punto'ng, TIGIL NA, TAMA NA
Sa araw na ayaw ko na sa kahibangang ito
Sana'y malaman mo kung gaano ako sumaya sa piling mo
Kahit hindi man umabot sa pagkakaroon ng label ang relasyong ito.
137 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on September 12, 2021
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.