Are you sure you want to report this content?
Habang magkalayo,
marami ang napagtanto-
sa lahat ng pagkakasala at pagkakamali,
nais ko pa ring ika’y manatili.
Sa lahat ng nakasalamuhang mga tao,
hinahanap ko pa rin ang pagmumukha mo-
akala ko’y nakalimutan ka na,
ngunit ikaw pa rin ang laman ng alaala.
Ngayong hindi ka kapiling,
ikaw pa rin ang hiling-
makahawak ang kamay,
at sa kalungkutan ikaw ang karamay.
Sabihin man ng iba na ako’y nagpapakatanga,
ngunit ikaw lang ang idinarasal kay Bathala-
binigyan man kita ng kalayaan,
nais kong malaman mong hindi ka pa sinukoan.
Alam ko namang hindi dapat pinipilit
ang mga bagay na may bahid pa ng pait.
Hintayin nating magtugma ang mga kamay ng orasan,
at kung mangyari man sana ako’y iyong balikan.
Hindi naman sa ako ay umaasa,
ngunit sana tayo ay pwede pa.
Sa pagkikita nating muli,
aaminin na sana natin sa sarili.
At wala na sana sa atin ang lilisan,
manatili na sa ating kanlungan.
59 Launches
Part of the Poetry collection
Published on September 26, 2018
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.