Are you sure you want to report this content?
Mahal kita.
Sobra sobra.
Kahit gaano pa kagulo,
Ang mundo,
O ang utak mo.
Huwag mo sanang malimutang may kakampi ka.
Kahit minsan pakiramdam mo,
Na pasan mo ang bagyo,
Ng problema at mga negatibo.
Maalala mo sanang hindi ka na nag-iisa.
At kung sa tingin mo ay nasa baba ka na,
Bababa rin ako,
At uupo sa tabi mo.
Sasamahan kita,
At ipapaalam ko sayo,
Na ayos lang mapunta sa pwesto mo.
Ayos lang na yumuko,
At tumahimik sa sulok ng iyong kwarto.
Ayos lang na ang tangi na lang na alam mo,
Ay ang lumuha at magsumamo.
Ayos lang na manginig ang iyong mga labi.
Ayos lang na maging kasing dilim mo ang gabi.
Ayos lang na pumikit ka sandali.
Tapos sa pagdilat mong muli,
Lumingon ka lang sa iyong tabi,
Nakaupo pa rin ako.
Pwede muna tayong manatili rito.
At kung handa ka na ay tatayo na ako,
Hihilahin kita.
Maalala mo sanang hindi ka na nag-iisa.
Huwag mo sanang malimutang may kakampi ka.
Sasamahan kita,
Na muling harapin ang gulo,
Ng utak mo,
O ng mundo,
Kahit sobra sobra pa.
Dahil mahal kita.
8 Launches
Part of the Love collection
Published on October 13, 2021
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.