Are you sure you want to report this content?
Illustration by @dariaesste
“San nga ba tayo patutungo sa ating pagpanaw?”
Malamig ang simoy ng hangin noon at tila nakikipagtaguan ang buwan sa mga ulap. Ilang oras na rin kaming nakaupo sa lugar na iyon hanggang sa magtakipsilim. Nakatitig lamang sya sa langit na puno ng mga bituin.
“San nga ba tayo patutungo sa ating pagpanaw?” ulit ko at tumingin sa kanya. Lumingon sya sa akin at tanging ngiti lang ang itinugon, ngiting naghahatid ng init na hahaplos sa puso.
“Walang tiyak na sagot. Ngunit nakatitiyak akong ang lugar na iyon ay magbibigay ng kapanatagan sa puso mo.”
Nagugulumihanan man at di lubusang naintindihan ang kanyang mga sinabi ay di na ko muling umimik.
Ngunit bigla syang tumayo at naglakad palayo. Gusto ko syang habutin at hilahin pabalik. Bakit? Bakit ka na naman aalis ng hindi ako kasama? Ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko at ang pamamanhid ng katawan ko. Wala akong ibang magawa kundi ang pagmasdan syang nawawala sa paningin ko.
Hanggang sa hindi ako makahinga…. “Tulong.. tama na. Ang sakit… parang awa mo na”
Bumalikwas ako ng bangon, pawis na pawis, dagliang tumulo ang mga luha nang nilibot ko ng tingin ang paligid.
Dali dali kong pinulot ang mga damit sa sahig at nagmamadaling lumabas. Di ko maatim na isiping narito na naman ako sa kasuklam suklam na kwartong ito.
Gamit ang mabibilis na hakbang, ay nagtungo ako sa aking silid. Agad kong tinakpan ang sariling bibig upang pigilan ang pag alpas ng mga hikbi. Hindi ko na kaya. Wala nang dahilan pa para mabuhay. Kihuha nilang lahat sa akin ang buhay na inasam ko noon. Wala na…
Simula ng maulila ako nang mamatay si mama, nakitira ako sa tiyahin kong natitira kong kamag anak. Ngunit hindi naging maganda ang pagtrato nila sa kin. Araw araw, tila nasa impyerno na gugustuhin ko nalang sa mamatay.
Hindi ko na maatim ang pang aapi ng tiyahin kong walang araw na hindi dumampi ang palad sa aking mga pisngi,Ang panghahalay ng aking tiyuhing hindi ako nakikilala sa tuwing sya’y nalalasing. Ang pang huhusga ng mga taong walang alam.
Ramdam ko ang pagguhit ng sakit at hapdi saking balat habang bumabaon sa aking braso ang talim ng kutsilyong aking hawak.
“Ma, bakit ba hindi mo nalang ako isinama? Gusto ko nang sumunod sayo ma, diba sabi mo mapapanatag ako. Ma, malapit na ko “
Kasunod ng pag agos ng dugo sa akng braso ay sya rin pag agos ng mga luha saking mga mata. Kalakip ng sakit, ay ang takot.
Ngunit hindi.. hindi pa talaga ako handa…
Hinidi ko ramdam ang sakit. Unti unting gumapang ang panlalamig na bumabalot sa aking katawan. Unti unti naring nawawala ang aking ulirat. Bumabalik lahat ang mga alaala, ang masasaya, malulungkot, maging ang masalimuot.
Ma, mapapanatag ba talaga ako sa lugar na yan? Pero bakit hindi kapanatagan ang nararamdaman ko, kundi takot. Dahil, ang totoong hiling ng puso ko,
“Gusto ko pang mabuhay, ma.”
21 Launches
Part of the Life collection
Published on March 20, 2020
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.