Are you sure you want to report this content?
Nakikita kita
nakikita ng dalawa kong mata
pero bakit para paring wala ka?
malabo? magulo? bakit iba't ibang kulay ang
nakikita ko?
Sumubok sakabila ng takot,
Pero ngayo'y ramdam na ang pagod.
umunawa, sumugal, lumuha, nagmahal.
Alam ang salitang mahal,
andaling ilarawan,
kahit sa salitang balbal.
Ngunit alam mo ba ang tunay na kahulugan nito?
Pero bakit nasasaktan parin ako.
Hindi sakim, hindi maramot,
Pero konting pag unawa iyo pang pinagdadamot
nayayamot, natatakot, nababahala,
ikaw na ba ay mawawala?
Pagpasensyahan mo na,
ako lamang ay nag aalala.
Mahal kita,
pero bakit ayaw nila tayong maging masaya?
hadlang ang panahon,
tadhana na ang tumugon
pilit kang inilalayo
Abot kamay ka
pero bakit ayaw mo nang kumapit pa?
Nais kang ipaglaban
Pero bakit ikaw mismo ang nanlalaban?
Akala ko ba okay lang?
Hindi ka ba nanghihinayang?
Dapat bang ipagpilitan?
O mas madaling sumuko at tuluyan nang magpaalam?
Mahal, di ko na ramdam,
puso mo ba'y ako parin ang inaasam?
Bakit ganun?!
Bakit ang dali sayo na talikuran ako,
andali para sayo na kalimutan ako.
Hanggang kailan?
hanggang kailan mo sila pakikinggan?
hanggang ka magbubulagbulagan?
Hanggang kailan mo balak lumisan.
Paulit ulit.
paulit ulit kong tinatanong
pero paulit ulit mo ring itinatanggi.
Ano nga ba ako sayo?
Sabi mo mahal mo ko
pero bakit mo ako ginaganito?
nakikita mo lang ang halaga ko,
pag kailangan mo ng patunay na may nagmamahal sayo.
23 Launches
Part of the Love collection
Published on August 16, 2018
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.