Are you sure you want to report this content?
Alam mo gusto kita,
Sa kilos at kabaitan mong pinapakita,
Sinong hindi mahuhulog sa tulad mo?
Mabait. Maasikaso. Maalalahanin. Palakaibigan. Masayahin.
Bonus na ang kagwapuhan mong taglay.
Alam mo, alam ko.
Na may gusto ka rin sa akin
Na kada pang-aasar sa atin nila ay namumula ka rin katulad ko.
Na kakaiba ang reaksyon mo nung may nagsabi sa akin na gusto mo ako.
Na may lungkot sa mata mo pag nakita mo akong may kasamang iba.
Na araw-araw ay sinisikap mo akong ihatid pag-uwian.
Na saglit nawawala ang ngiti mo pag kaibigan ang pakilala ko sa'yo.
Alam ko pero di ako nagsalita.
Kahit minsang naisip ko ang posibilidad na tayo.
Alam ko pero naunahan ako ng takot.
Alam ko pero duwag ako.
Di sigurado.
Paano kung mali ako ng inaakala?
Paano kung umaasa lang ako?
Paano kung lumabas lang akong assumera?
Paano kung ako lang pala ang nakakaramadam ng ganto?
Manhid ang bansag ko sa sarili;di marunong makaramdam ng pag-ibig.
Pero sa totoo lang pilit ko lang di pinapansin para di masaktan.
Di ako manhid, duwag lang.
Alam mo, alam ko kaso natakot ako.
Sorry.
.
Where I came from, you need to kill your own happiness for others. (A sorta 'where I came from'.)
00An apology letter for my mistake. For believing and seeing things wrongly and selfishly.
3185 Launches
Part of the Love collection
Updated on September 16, 2018
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.