Tayo, pero di tayo.
Mahal kita, mahal mo ako.
Naiintindihan mo ba?
Halik mo sa labi ko.
Yakap ko sa bisig mo.
Pero bakit ganun?
Parang ang labo.
Ang hirap intindihin.
Ano ba talaga to?
Sa totoo lang ayokong magtanong kasi natatakot ako sa magiging sagot mo.
Nagkukunwari akong matigas at walang pakielam at walang katanungan pero sa totoo lang, ang dami dami kong tanong.
Tanong na ayoko rin naman tanungin dahil baka hindi ko rin magustuhan ang mga sagot.
Pero sa pagkakataong ito, na naitatago ako ng liham at papel, lalakasan ko ang loob ko at pipiliting umamin.
Naguguluhan na ako.
Ano ba talaga tong pinasok natin?
Ano bang itatawag sa sitwaysong magulo?
Magulong usapan?
Mutual understanding?
Pero paano ko yun tatanggapin kung wala naman akong naiintindihan?
Ni hindi ko na nga alam kung hanggang kailan.
Kung kakayanin ko pa bang pumikit at ramdamin na lang ang lahat.
Ng walang tanong, walang duda, walang alinlangan.
Dahil sa totoo lang, napapagod na akong manghula at mag isip.
Wala ng sparks.
Wala ng kilig.