Launchorasince 2014
← Stories

Tayo Lang


                           

Maraming Segundo, minuto, oras, araw buwan at halos papunta narin sa maraming mga taon pa... hanggang ngayon nandito ka parin. 

Hanggang ngayon mga alaala mo'y nakatatak parin.


Mahal kita, salitang pinaulit-ulit kong bulong sa 'yo dahil hindi ko ginagawang ipagsigawan sa maraming tao na mahal kita.


Ayokong gumawa ng eksena sa gitna ng karamihan para lang masabi kong mahal kita. Aanhin ko ba sila? Props lang sila sa isang araw na pakulong 'yon at kapag natapos na ang araw na 'yon, wala narin naman silang pakialam sa pagmamahalan nating dalawa.


Pabulong kong sinasabing mahal kita dahil gusto kong mas tayong dalawa ang nagkakaintindihan ng kung anong nararamdaman natin para sa isa't-isa.


Pabulong kong binabanggit ang mga katagang; 'Ikaw lang' dahil 'yon ang gusto kong maisip mo sa bawat araw na lilipas ng hindi tayo magkasama.


Pabulong kong ipinararamdan.


Hindi dahil sa hindi kita mahal;


Hindi dahil gusto kong magloko habang ika'y nakatalikod;


Hindi dahil sa ikinahihiya kita;


Hindi dahil sa gusto kong itago ang relasyon nating dalawa;


Hindi dahil sa ayaw kong mag-effort;


Hindi dahil sa ayaw kong ipagsigawan ang pangalan mo;


Kung `di dahil gusto kong Tayong dalawa lang.


Tayong dalawa malayo sa pagitan ng mga taong mapanghusga;


Tayong dalawa sa isang relasyon habang ang maykapal ang ating sentro;


Tayong dalawa na magbubuo sa bawat araw na darating sa umaga;


Tayong dalawa at sana wala ng magiging KAYO,


Dahil gusto ko Tayong dalawa hanggang dulo. TAYO lang.

___________________________________________________

ALL RIGHTS RESERVED

© COPY RIGHT 2018

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required