launchora_img

The Courtship by IAMINKK

Info

SIMULA


Walang tigil sa pagriring ang doorbell nila. It was 7 AM in the morning. Nag-aalmusal silang mag-anak.

Lahat sila ay nahinto sa kanya-kanyang ginagawa. Nabitin sa ere ang mug ng kape ng Tatay niya. Ang Ate Artemis niya ay nahinto sa pagtatype sa phone. Ang Nanay niya ay binitawan ang kutsara at sinubukang silipin ang nasa labas through their glass door. Dalawa ang pinto nila ang isa ay wooden door na pinatungan ng glass door.

Nagkatinginan sila ng Ate niya tapos napabuntong hininga na lang siya. Ngumiti ang Ate niya na siya namang inirapan niya. Siya ang bunso sa dalawang magkapatid kaya siya ang nautusan na magbukas ng gate para icheck kung sino ang nasa labas.

Papunta palang siya sa gate naitsurahan niya na ang mga nasa labas. Nangunot ang noo niya.

'Anong ginagawa ng mga 'to dito?'

Tumambad sakanya ang dalawang lalaki.

She recognized the two boys as her friends - Brett and Edward. Napanganga siya sa itsura ng mga 'to.

Parehong may hawak na bouquet ang dalawa. Si Edward ay real flowers ang dala, si Brett naman ay bouquet of Fererro Rocher chocolates. May mga gifts din itong dala. Edward with his paper bag and Brett with his box.

Sinipat niya ang suot ng mga ito. Pormal na pormal ang mga ito with their dress shirts.

'Parang aattend ng binyag.'

Nakablack si Brett habang pink naman ang suot ni Edward.

"Bakit kayo nandito?" Tinaasan niya ng kilay mga ito. Pero sa totoo lang, kumakabog na sa kaba yung puso niya. With their get-up alam naman na niya ang pakay ng mga ito. Pero syempre mga kaibigan niya ang mga ito, alam niyang may saltik din kaya may trust issues siya.

"Manliligaw ako" they said in unison

"'Di mo pa ba muna kami pagbubuksan?"

Bago pa siya makasagot lumabas ang nanay niya sa bahay para tignan anong meron. "Bakit ang tagal mo bago bumalik? Sino ba yan?"

Napaawang ang bibig ng nanay niya sa nakikita.

Agad nagsisigaw ang nanay niya, "Sweetheart! May mga manliligaw si Inkka!!!" Lumapit ang nanay niya sakanila at binuksan ng todo ang gate.

"Sige pasok kayo" Hindi mawala ang grin sa mukha ng mama niya. Tuwang-tuwa ito na may pormal na manliligaw sa anak.

Wala din kasi itong alam sa lovelife ng anak kaya tuwang-tuwa siyang makiusyoso. Akala niya nga tomboy ang anak or part ng LGBT dahil lagi itong nanonood ng mga shows na may gay couple, tapos mahilig pa 'to sa rainbow.



Todo asikaso ang mama niya sa dalawa niyang kaibigan. Hindi siya naging komportable na tinititigan siya dalawa at pinagmamasdan ang reaksyon niya.

Subconsciously siyang napahawak sa may tunki ng ilong niya. Dumiretso siya sa CR dahil kailangan niyang huminga.

The thought of manliligaw ang mga ito sakanya na meaning ay gusto siya ng mga ito ay nagpapakaba sakanya.

Never kasi siyang nag-assume. Hindi niya akalain na gugustuhin siya ng mga ito sa ganitong paraan.

Kamalas-malasan ng dalawa dahil kadadating lang galing sa abroad ng papa niya- sakto ang mga 'to.

Hindi parin nawawala yung bigat sa dibdib niya ng bumalik siya sa mga bisita nila. Sa totoo lang gusto niya na magtago sa kwarto niya. She doesn't want to deal with it.

Pinaupo ang mga manliligaw sa mahaba nilang sofa. L-shape iyon at sa gitna ng mas mahabang part naupo ang dalawa. Kumuha ng panibago upuan ang papa niya at sa harap ng dalawa umupo.

Ang Ate niya nasa dining table parin, nagmamasid pero tuloy lang sa pagkain.

Tinignan mula ulo hanggang paa ng tatay niya ang dalawa. He is so obvious about it, talagang tumaas baba ang ulo nito.

"Anong pakay niyo rito?" tanong ng tatay niya

"Manliligaw po kami, sir"

Mabait ang Tatay niya pero sa ibang tao mukha talaga itong intimidating sa umpisa.

"Sabay talaga kayong dalawa?" Singit ng Ate, tumayo na pala ito galing sa dining table at lumapit sa may living room. Hindi naman malayo ito, bungalow lang ang bahay nila.

"Yes po, magkaibigan po kami at pareho naming gusto si Inkka, pero may bro code. Bros before ho--- I mean girls po." Habang nagsasalita si Eddy nakatingin ito sa tatay niya, tuwid din ang upo nito.

"Wala pong gustong magback-out o magcompromise samin kaya we decided we'll let Inkka choose." Si Brett ang nagtuloy ng sinasabi ni Eddy. "Is it Brett or Edward?" sa panghuling linya nito, sakanya ito nakatingin.

Napahawak siya sa tip ng ilong niya, mannerism niya iyon sa tuwing nahihiya siya. Siya ang hiyang-hiya sa sinasabi ng mga ito. Nakita siya ng ate niya at mapang-asar na tinignan siya tas bumulong pa ng "Haba ng hair"

Sigurado siya pulang-pula ang magkabilang pisngi niya pati na ang taínga niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Nagpapalpitate ata siya.



Tinanggap niya ang mga bouquet at regalo ng dalawa. Ang mama niya makulit at nagpumilit na picturan silang tatlo with their gifts on hand. Doon niya naalala ang itsura at bihis niya. Nakapusod siya, suot ang salamin at nakasilk na pajama na pink at pineapple pa ang design.

'Ah basta! What you see is what you get.'

Pinicturan sila ng mama niya gamit ang digital camera nito. Ang unang picture silang tatlo ang magkakasama, sunod ay silang dalawa lang ni Eddy tapos ay silang dalawa ni Brett.

Lumapit si Eddy sa mama niya, "Tita, pasend po sakin ng picture po"

"Sakin din po Tita Amelie"

Binatukan niya ang dalawa

Natawa naman ang mama niya tsaka sabing, "Sige, sige, ipapasend ko kay Artemis, kung kay Inkka ko iuutos baka hindi niyo mareceive"

Inirapan niya ang mama niya at tinawanan lang siya nito.

"Dito na kayo mag-almusal. Nakahanda naman na" sabi pa ng mama niya



Nang maupo sila sa 8-seater na dining table they endured a long silence. Napaka-awkward dahil sa presensya ng tatay niya na halatang inoobserba ang dalawa.

Wala naman siyang pake, hindi niya sinalo ang mga ito tuwing nagsisimula na naman silang gisain ng tatay niya. Tinitignan siya ng dalawa at nagpapatulong pero hindi niya ito pinapansin. Parusa niya 'to sa walang kawarning-warning na pagsugod ng mga ito.



Una niyang hinatid si Brett sa may kotse nito. Nagsuot siya ng roba bago lumabas ng bahay.

Naiwan si Edward sa may gate nila dahil magco-commute ito - may dadaanan pa daw kasi. Sasamahan niya itong mag-abang after maihatid si Brett. Nalaman niya hindi pala sabay pumunta ng bahay niya ang mga ito, sadyang nagkita lang ito sa labas.

"Did we shock you?" Tanong ni Brett

"Obvious ba?" Sarcastic na sagot niya. Nahihiya lang talaga siya sa mga pangyayari kaya nagsusungit siya.

Ngumiti lang naman si Brett sakanya. Nakarating na sila sa kotse nito, ang lapit lang naman kasi sa bahay nila. Sa gilid lang ito ng kapilya na nasa tabi ng bahay nila.

"Well, I hope you get used to it. It'll be full of surprises from now on." sabi nito tsaka ito naglean to kiss her on the cheek.

Napa-awang ang bibig niya dito.

Napangisi ang kaibigan at pumasok na sa kotse.

"Bye Inkka! See you tomorrow!" Paalam nito sakanya at pinaandar na ang sasakyan. Binusinahan din nito si Edward sa may gate nila nang madaanan. Tumango naman si Eddy to acknowledge Brett.

"Gagong yon, nagnakaw pa ng halik" kahit sa cheek lang yon nako kukutusan niya talaga 'to pagnagkita ulit sila.

Bumalik siya kay Edward na nagcecellphone. Pinalo niya ang braso nito.

"Ikaw ha! Ano yun?"

"Ang alin?"

"Yung panliligaw niyo"

Sumeryoso si Edward. Tapos siya hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, hindi kasi siya sanay na ganito ang kaibigan.

"I imagined saying this a hundred times pero hindi sa labas ng bahay niyo pero since nandito naman na I'll just spill it"

Nagulat siya ng kinuha ni Edward ang mga kamay niya. He was holding them gently. Ramdam niya ang lamig ng kamay nito pati na ang lambot ng mga ito. Nahiya siya sa kamay niya, pasmado kasi siya.

"I like you Inkka" pagcoconfess nito sa kanya "I like you so so much" hindi niya akalaing ang kaibigan niya na laging maloko ay capable na ganito maging sincere. Napaka seryoso and alam niyang honest ito base sa tone of voice and the way he looks at her.

Aaminin niya kinilig siyang konti pero this didn't distract her from saying what she has to say. Since seryoso ang mga kaibigan, seseryosohin niya din ang mga ito.

This time siya ang humawak sa kamay ni Edward. Pinisil niya ito

She looked at him straight in the eyes. "Edward, because we've been friends for so long, I never really thought about 'is it Brett or Edward'." ginaya niya ang sinabi ni Brett kanina.

"It's not that I never found you guys attractive, pero kasi... you know... kaibigan ko kayo. Well, aaminin ko medyo may effect ang confession mo" kabang-kaba siya at nagpapasalamat siyang hindi garalgal ang boses niya. "pero I really can't say anything yet. At dahil nakita kong seryoso kayo to the point na sinugod niyo bahay ko, gusto ko din ibalik yung same seriousness about this. I want to think about this carefully."

Sandali silang natahimik after magsalita ni Inkka. Nagkatitigan lang sila ng ilang pang seconds bago sumagot si Eddy.

"I understand Inkka, we'll work on that" pilyong sabi nito. Napangiti siya kasi she recognized her friend again. "And thank you" dugtong nito.

May dual personality ata ang kaibigan, bigla kasing nagswitch ang aura nito at the 'thank you' part.

Hinatid niya ito sa may nagtatricycle. Nasa labas lang naman ito ng kanto nila.



Pumasok siya sa kwarto niya, her head in the clouds. Feeling niya lumulutang siya. Kinuha niya ang unan at itinakip as mukha tsaka siya impit na nagtitili.

Kinililig siya! Feeling niya ang haba ng hair niya! Naging crush niya naman kasing talaga ang mga kaibigan. Si Brett noong grade 10 at si Edward noong grade 11- first sem, both are fleeting crushes.

Gwapo naman kasi ang mga ito at kahit na maloko, seryoso parin sa pag-aaral. Iba ang mga ito sa lalaking ka-age nila na puro laro pa ang nasa isip. Kaya naman hindi mo din masisisi ang mga babaeng naaattract sa dalawang binata - kasama na doon si Inkka.

Tapos na ang crush niya sa mga ito by the time na naging close friends sila. At hindi niya na rin hinayaan ang sariling maging crush ulit ang mga ito kasi may rule siya na pag kaibigan, hanggang kaibigan lang talaga.

She hates that when it happens. May kaibigan kasi siyang lalaki noong 8th grade siya. Close na close sila pero hindi rin nagtagal ang friendship nila dahil sa nagustuhan siya nito romantically. Biglaan, she lost a close friend because she didn't feel the same way.

She felt betrayed at that time, bakit kailangan mawalan siya ng kaibigan for such reason? Bakit parang kasalanan niya na she didn't feel the same way?

Laging ganito ang ending, the cycle continues. Sweet kasi talaga siya sa mga friends niya. She didn't discern between her guy and girl friends. She treated her guy friends the same as when she treated her girl friends. Kung nasusubuan niya ng SamG wrap ang mga babae niyang kaibigan, she does the same thing to her guy friends.

Napagtanto niyang she can't do that pala. Lagi siyang nami-misinterpret so she chose not to befriend any guys.

But as her circle of friends grew, hindi niya din napigilan magkaroon ng mga lalaking kaibigan. Ang pinagkaiba nga lang sa dati, nagrerestrain na siya with her guy friends. She doesn't treat them the same with her girl friends anymore. This caused her to be distant at hindi pala open up sa mga lalaking kaibigan pero that's better than getting left behind.

Up until now, she still follow her rules but with Edward and Brett's case maybe she can make an exception.

Pinaka ayaw niya sa lahat ay mga torpe kaya naman she appreciate her friends' courage. Hindi madaling magconfess, nakakatakot mareject, it's a huge gamble on their friendship.

Inipit niya ulit ang tili sa unan niya. Nagfeeling long hair siya dahil they made her feel worth the sacrifices.

"Is it Brett or Edward?" Naaalala niyang tanong ni Brett

Pinakiramdaman niya ang puso.

"We'll see... we'll see" 




---

Hi there! It's Sol! I decided to post my first novel here, it's also published on Wattpad by the same name. Your comment is highly appreciated! Thank you. xoxo


Find it on wattpad: https://www.wattpad.com/1085290641-the-courtship-by-iaminkk-simula


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Sol
everything is white

white ceiling. white sheets. clear tears. "I might not even wake up after" she sob, clinging to....

00
She and Him

"You can stop now" she said. "Stop now" she pleaded. Tears fell from his eyes to his cheeks.

00
Deep Sleep

He was not a prince, but she is Sleeping Beauty. Sadly, true love's kiss won't break the spell. Pt.1

00

Stay connected to your stories

The Courtship by IAMINKK

32 Launches

Part of the Young Adult collection

Updated on October 10, 2021

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.