Isang buwan. Isang buwan lang ang hiningi mong panahon na mawawala ka. Isang buwan nang nakalipas noong sinabi mong babalik ka.
Pero, July na. Ni birthday ko, hindi man lang ako nakatanggap ng pagbati mula sa iyo. Akala ko ba dapat maging honest tayo sa isa't isa? Ba't ganun? Hindi ako umasa ngunit nasaktan ako. Bakit?
Ayaw mong mahulog ako sayo pero bakit parang nagsinungaling ka sa akin? Masakit isipin yung sabi mong babalik ka dahil marami pa tayong pag-uusapan. Pero, wala na pala.
Naghintay ako. Siguro panahon na para ako'y bumitaw. Maraming salamat dahil sa dalawang buwan na ikaw ay aking naging kaibigan, andami kong natutunan. Hindi ko na ito papahabain pa dahil ayoko na rin maramdaman pa ang sakit. Salamat, kaibigan. Maraming salamat.