Nagsimula lahat sa word na Tropa..
Oo yung tipong, walang malisya.
Pag magkasama laging masaya.
Ni hindi na nga pinapansin ang sasabihin nila.
Minsan tayo'y nagkatuwaan.
Kasama ang iba tayoy nagkayayaan.
Isang salo salo na may inuman.
Syempre di mawawala ang kwentuhan.
Hanggang sa tulog na sila.
Di namalayang tayo na lang natitira.
Iisa ang papag,tabi-tabi sa higaan.
Wala namang malisya kaya ayos lang.
Pero bigla kang lumapit sa akin.
Nagkadikit mga labi natin..
Natulala ma'y ako ay napailing.
Di ko alam anong gagawin.
Lasing lang tayo, tanging nasambit ko.
Kalimutan natin, may girlfriend Ka, mali ito
Sumang ayon ka naman sa tinuran ko..
At tuluyang binura ang pangyayaring ito.
Akala ko ,landian lang natin to.
Di ko namalayan nahuhulog na ako.
Pero wala akong karapatan sayo.
Alam naman nating iba ang mahal mo.
Iiwas na sana ako.
Magkukusa na ko baka lumala pa to.
Pero bakit ba ganyan kilos mo?
Pinapadama mo na gusto mo din ako.
Naguguluhan at nasasaktan,
Ang hirap tanggapin ng katotohanan.
Na akoy iyo lamang libangan,
Dahil malayo ka sa yong kasintahan.