Are you sure you want to report this content?
Ako'y isang ulila,
Na walang tanging hangad kundi magkaroon ng pamilya.
Sa mata ng iba tila ako'y walang problema,
Laging masaya at may buhay na kay ganda.
Oo nga naman,
Bakit ako ay di kaiinggitan?
Walang ina na magbabawal gumala,
Walang ama na papalo pag may kalokohang ginawa.
Wala rin akong ate na mag-uutos,
Walang kuya na sa akin ay kukutos.
Subalit bakit di ko ramdam ang kalayaan,
Kalayaang pinapanalangin ng karamihan sa kabataan?
Ito ba ay dahil wala akong ina,
Na mag-aayos ng aking buhok bago pumasok sa eskwela?
Ito ba ay dahil wala akong ama,
Na mag-uusisa kung sino yung kasama kong oppa?
O baka naman dahil wala akong ate,
Na pagsasabihan ko ng aking mga pag-iinarte?
At wala akong kuya,
Na sasapak sa ex kong walang hiya.
Malungkot.
Napakalungkot.
Ang mabuhay ng walang pamilya,
Ay kailanman di kalayaan tulad ng kanilang inaakala.
Have you ever been in a situation where everthing is an almost?
00175 Launches
Part of the Life collection
Updated on August 12, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.