Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Ang sabi mo, "anak poprotektahan kita"
Na walang ina ang sasaktan ang batang iniluwal nila.
Na lahat ng parusa ay isang disiplina
Na ang galit ay dahil sa kamalian na umasaang maitatama.
Ang sabi mo, "anak pinalo kita kasi mali ka na"
Naiintindihan ko nay, nagmamahal ka
Sa isang batang matigas ang ulo
Hindi marunong makinig sa payo ni lolo.
Ang sabi mo, "anak, mahal kita kaya kita sinasaktan"
Tumutulo man ang luha ay tinanggap ko ang paglatigo
Kahit iniinda na ang sakit ng katawan
Hinayaan ka kasi may tiwala ako sa pagmamahal mong may halong pagkastigo.
Ang sabi mo, "anak anong nangyari sayo? Nagkulang ba ako?"
Unti unting nanghina ang tuhod ko
Hiniling na sana ay paluin mo na lamang muli
Nagbabakasakali na mapatawad iyong masasakit mong sinabi.
Ang sabi mo, "Hindi kita pinalaking ganyan"
Nagulumihanan iyong munting kabataan
Nay, tama na... kasi kahit ako, wala nang pagkakakilanlan
Sa sobrang pakikinig sayo, naniwala ako na baka nga tama ka.
Na ako'y isang bobo't walang kwenta
32 Launches
Part of the Dear Mom collection
Updated on August 27, 2017
(3)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.