Are you sure you want to report this content?
Pitong letra na tatapos sa lahat.
Apat na pantig na napakasakit.
Dalawang salita na mapapaiyak ang sino man.
Isang katagang hindi gugustuhing marinig nino man.
Mga katagang mapapatanong ka ng bakit?
Bakit mo piniling manakit?
Bakit mo piniling tapusin ang lahat?
Bakit? Bakit? Bakit?
Walang katapusang tanong sa pitong letra,
apat na pantig at dalawang salita.
Ayoko na, isang kataga.
Katagang nais sabihin ngunit hindi magawa.
Ayoko na, hindi dahil ayaw ko na.
Ayoko na, dahil ayaw nila.
Napakaraming mga taong pumapagitan sa ating dalawa.
Mga taong ayaw nating mawala.
Ayoko na, dahil sa takot na hindi mawala.
Takot na baka hindi naman talaga ako.
Dahil sino ba naman ako para magustuhan mo.
Magustuhan ng isang tulad mo.
Ayoko na, dahil may mga bagay na hindi maintindihan.
Mga bagay na hindi mapagkasunduan.
Mga bagay na hindi na maaring ayosin pa.
Mga bagay na babago sa turingan nating dalawa.
Ayoko na, dahil sa isip na puno ng katanungan.
katanungang hindi masagutan.
Ayoko na, dahil sa isip na puno ng pagaalinlangan.
Pagaalinlangang walang katapusan.
Ayoko na, dahil malapit na akong mahulog sa bangin.
Sa bangin na walang kasiguraduhan.
Kasiguraduhan kung tayo nga ba talaga.
Kasiguraduhan kung ako ba talaga.
25 Launches
Part of the Love collection
Updated on November 15, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.