Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Sa bawat ngiti na pinapakita,
Tinatago ang problemang ayaw ipakita.
Problemang ako mismo ang hindi makakita,
At sa likod nito ang lungkot na gustong magpakita.
Lungkot na dulot ng mga bata,
Batang saiyo ay napakahalaga.
Pinahahalagahan mo ng sobra,
Ngunit pinahahalagahan ka ba?
Sa bawat mali ng mga bata,
Ito ay isinasawalang bahala.
Binibigyan ng dahilan ang pagkakamali,
Sila ay bata lamang at nagkakamali.
Sa bawat pagsigaw pagsisisi ang kapalit.
Sa bawat maling sinabi takot ang kapalit.
Takot na kayo’y magalit,
Takot na ang tuwa ay inis ang ipalit.
Isa lamang ang aking nais,
Kayo ay makinig at wag nang mainis.
Inis sa pagaaral ay mawala,
At pagkatuto ay ipakawala.
Ang tanging nais ay pagkatuto,
Sa bawat paksang itinuro.
Ipasa ang bawat pagsusulit
At pagtaas ng grado ay ipipilit.
Para sa mga batang pasaway pa rin,
Ang Guro ay doktor na rin,
Ang mababang gradong ibinigay,
Ay pilit itataas ni inay.
Ipasa and dapat ipasa.
At ipapasa ang dapat ipasa.
84 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on March 17, 2019
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.