Are you sure you want to report this content?
Sa aking pagtatapos ako ay nagpapasalamat.
Sa bawat tumulong hatid ko ang pasasalamat.
Pasasalamat sa lakas na inyong naibigay.
At sa sakit na inyong binigay.
Sa bawat salita na inyong binitawan,
Pangarap ko ay mas lalong hindi bibitawan.
Hindi ako susuko,
Dahil hindi kayo sumuko.
Sa aking ama na gigising ng umaga at uuwi ng gabi.
Ang pag-ikot ng iyong gulong araw at gabi.
Hindi titigil para sa amin.
Pasasalamat sa hirap at pagod na iyong alay sa amin.
Sa aking ina, pagod ang bibig.
Dahil sa mga salitang puno ng pagibig.
Hindi magsasawang kami ay itama.
Dahil lagi namang may tama.
Sa aking mga kapatid na lait ang hilig.
Ngunit suporta ang ibig.
Hindi mapagkakailang kayo ay tunay.
Tunay na mahalaga sa aking buhay.
Sa aking mga kaibigan, kayo ay tunay.
Tunay na mapanakit.
Tunay na mahirap ngunit kinaya.
Basta kayo ang kasama lahat kaya.
Ang pagtatapos na ito ay para sa lahat.
Pasasalamat ay hindi sapat.
Sa tulong na inyong inabot.
Mga pangarap ay naabot.
Araw-araw napapaisip kung ano ang bukas.
Bukas na maaaring mawalan ng bakas.
Ngunit lahat ng pagiisip na ito ay nawala,
Dahil ang tagumpay ay hawak ko na.
Tagumpay na alay ko sa inyo.
Ang tagumpay na ang dahilan ay kayo.
374 Launches
Part of the Happenings collection
Published on June 15, 2019
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.