launchora_img

Bago natapos ang lahat

Info

Nagsimula ang lahat dahil sa pagmamahal natin sa musika

ng unang magtagpo ang ating mga mata

sa araw na nawala ang lahat ng tao sa paligid nating dalawa

na parang huminto ang oras at ang mga puso natin ay nagtugma

Naaalala ko, kung paano natin nabuo ang ating kwento

kung paano mo ako paliguan ng bulaklak sat wing magkikita tayo

naaalala ko, ang araw na nagsimula kang mangako

at masakit dahil kasabay nito ang pagbabalik saking isipan ng araw ng iyong paglaho

Sinubukan hanggang sa sinukuan

hindi dahil sa hindi na nais pang lumaban ngunit dahil kailangan;

ang pagmamahal na alam kong hindi na maaaring panghawakan

hindi dahil sa nawala kundi dahil magiging isang malaking kasalanan kung ating ipagpipilitan

Alam mo bang tayo sana yung nakatakda?

ang kwento sana natin ang kagigiliwan ng mga dalaga’t binata

dahil hindi man perpekto ang lahat

batid nating ang pagmamahalan natin ay sapat

Hanggang nauwi ang lahat sa ‘sana pwede pa’

hanggang sa ang mahal kita ay hindi na maaaring bigkasin pa

hanggang sa ang pagkikita ay hindi na magagawa

hanggang sa ang kailangang gawin ay ang palayain ka

Andiyan na siya. Hinihintay ka na niya

oras na para bumitaw tayo sa isa’t isa

kahit ang puso natin ay parang pinipiga

andiyan na siya. Itigil na nating dalawa.

Ngunit bago matapos ang lahat

humiling ka ng isa pang araw para sa ating dalawa

ang huling araw na matititigan natin ang isa’t isa ng Malaya

bago natapos ang lahat, nagpalitan pa tayo ng matatamis na salita

Bago natapos ang lahat, lihim kong hiniling na sana panaginip nalang

na sana hindi ikaw ang ama ng bata sa kanyang sinapupunan

bago natapos ang lahat, lihim parin kitang hinawakan kahit hindi na dapat

lihim kong hiniling na sana pwede pa tayo… na sana isa lang to sa masasakit na biro

ngunit naghiwalay tayo ng landas ng huling araw na yon at mula noon, alam kong natapos na ang lahat…


1 Launcher recommend this story
launchora_img
More stories by Doll
Version of my self

Pain and recovery

00
It wasn't because I don't love you

My heart decided to let you go because it needs to be happy

00
To my first love

a letter for the first person who made her fall in love.

00

Stay connected to your stories

Bago natapos ang lahat

60 Launches

Part of the Poetry collection

Updated on June 30, 2017

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.