Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Ang mga ngiti ko noon na siya ang dahilan, biglang napalitan at ikaw ang naging laman
Paano ko ba sasabihin ito na kung sa ngiti mo palang ay alam kong hindi na ako?
Bakit siya pa kung alam mong hindi niya makikita ang halaga mo?
Bakit siya pa kung ang turing niya sayo ay parang bato habang ang turing ko sayo ay parang ginto?
Bakit siya pa rin ang napili mong pangitiin kahit sinasaktan niya na ang 'yong damdamin?
Bakit hindi nalang ako ang iyong pangitiin dahil naghihintay lang naman ako na iyong mapansin?
Hindi ko alam kung anong wala sa akin na meron sa kanya kahit na ang alam niya lang gawin ay ang magpaasa
Mahal kita, mahal mo siya pero iba ang mahal niya, magaling.. walang mangyayari sa inyong dalawa kaya subukan mong lumingon baka sakiling makahalata ka
Makahalata kang meron pa palang isang babaeng naghihintay sayo, naghihintay na mapansin mo
Pero bakit siya pa?
Bakit siya pa kung alam mo namang sarili niya lang ang iniisip niya?
Bakit siya pa kung sa una palang ay ayaw niya na, ayaw niya na kasi wala kang pag-asa sa kanya?
Bakit siya pa?
Naisip mo bang may naghihintay sayo kagaya ng paghihintay mo sa kanya?
Naisip rin mo ba na.. “kung nasasaktan ka ay may nasasaktan ding iba?”
Siguro hindi, kasi ni isang lingon ay hindi mo nagawa, hindi mo nagawa kasi ang prayoridad mo ay siya habang ang prayoridad niya ay iba
Masasaktan siya dahil sa iba, masasaktan ka dahil sa kanya, masasaktan ako dahil sa inyong dalawa, magaling
Magaling dahil hindi mo man lang nakita ang katulad kong naghihintay sayo dahil iba ang hinihintay mo
Bakit siya pa kung balewala ka lang sa kanya?
Bakit hindi nalang ako kung alam mo namang nakikita ko ang halaga mo?
Bakit siya pa?
How does it feels like to be betrayed and lied to by a friend?
00177 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on September 05, 2017
(4)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.