Are you sure you want to report this content?
"It was my privilege to be heartbroken by you." Isa sa mga linyahan ni Augustus Waters sa librong The Fault in our Stars. Nakakakilig, ang cheesy, napaka-romantic... Haaaays, kaya minsan ang sarap tumira na lang sa libro eh.
Speaking of libro, since first year college at nahilig akong magbasa ng foreign novels. Iba-ibang kwento, mga karakter, at pinaglalaban ang nakita ko... syempre, hindi pwedeng mawala yung love. Dahil din sa pagbabasa ko ay nagkaroon ako ng mga idea tungkol sa 'Ideal guy'.
Isang maulang gabi, habang nasa loob ng isang convenience store kasama ang mga kaklase ko. Dalawa kaming babae at isang lalaki, nakaupo, nagsesenti at nag-uusap. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'min at naging love ang topic namin, na kadalasan ay hindi namin napaguusapan on a regular basis.
"Siguro, eto si 'Miss Wai' mahihirapang makahanap ng boyfriend?", biglang sinabi ng kaklase kong babae.
" Ha?! Bakit naman?", nabigla kong tanong.
"Eh kasi ang hilig mong magbasa, gusto mo 'yung mga may green na mata... [qualities ng isang lalaki sa mga novel] Kaya siguro mahihirapan kang maghanap ng ganun. Kailangan almost perfect sila sa'yo."
"Oo nga 'Miss Wai'!", sulsol ng kaklase kong lalaki, which happened na crush ko.
"Hindi ah?!", 'yun na lang ang nasabi ko. I wasn't able to defend myself LOL. But marami akong gustong sabihin, so eto na 'yun.
Nagbabasa ako ng novels para ma-entertain or just simply, to escape from reality for a little while. Pero nage-enjoy akong magbasa dahil sa ugali at kung paano ipaglaban ng mga lalaking bida ang love nila para sa babaeng mahal nila. Just like Augustus Waters' undying [kahit na namatay siya] love for Hazel Grace, despite sa sakit niya. Even Alex Sheathes and Julian Fineman, they fought for love kahit na bawal. And lastly, si Park Sheridan at his young age, pinadama niya kay Eleanor ang love niya. I admire the boys from the books because of their ways to show the love.
But it doesn't mean na mataas na ang standards ko sa isang lalaki. Kahit sino man ang ibigay sa'kin ni Lord, according sa Kanyang will, I'll accept it. Pero since, single pa rin naman ako, pinipili ko 'yung taong hahangaan ko.
Lastly, to the boys na mga naging crush ko at magiging crush ko in the future... Gagawan ko ng sariling version 'yung line ni Gus. " It was your privilege for me to be heartbroken by you." Malabo ba? Haha, what I mean lang is, privilege niyo na i-friendzone or what kind of zone pa 'yan. Dahil kahit na may mga konsepto ako ng ideal guy sa utak ko because of books, napansin ko kayo at kahit papano ay kalevel niyo ang mga lalaki sa mga binabasa ko.
56 Launches
Part of the Love collection
Updated on June 27, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.