Are you sure you want to report this content?
Ako. Akala ko ako lang. Akala ko ikaw lang. Akala ko tayo lang.
Pero bakit nalaman ko na ang ako mo ay naging kami lang?
Ilan ba kami sa buhay mo na niloloko mo?
Minahal kita. Ang sabi mo mahal mo rin ako.
Pero bakit mahal ko, ang bilis magbago ng sinabi mo?
Kahapon sabi mo pang habang buhay tayo. Pero bakit ngayon siya ang nasa piling mo?
Saan ako nagkamali at ako'y iniwan mo?
Pinagpili kita at siya ang pinili mo.
Dahil ba tapos na ang mga panahon na ginamit mo ako?
Nagsawa ka na ba sa mga katagang "Mahal, sana tayo lang. Ikaw lang at ako laban sa mapang-aping mundo."
Ang dami kong katanungan simula ng ako'y iyong iwan. Pero salamat mahal. Sa saya, sa sakit, sa luha at sa lahat ng pinagsamahan natin.
Dahil kung hindi dahil sa pananakit at pag-iwan mo sa akin, hindi ko makikilala ang taong matagal ng nasa tabi ko.
Isinasantabi ko para sayo. Salamat dahil sayo, masaya na ako sa kanya ngayon.
Ng dahil sayo, napatunayan ko na hindi ko na kailangan pang tumingin sa malayo para makita ang taong magmamahal sa akin.
At ng dahil sa ginawa mong pag-iwan sa akin, pinasaya mo ako dahil sa isang taong nasa piling ko ngayon.
76 Launches
Part of the Life collection
Published on April 24, 2017
(3)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.