Are you sure you want to report this content?
kamay sa orasan, ba't parang bumabalik?
minuto, segundo, at bawat pitik.
paulit-ulit na tanong sa bawat tapik:
"ano ba? masyado ka bang sabik?"
halos mabulag sa umiikot na paningin.
kukong sira-sira, mga ngipin ang salarin.
papalapit, sumisikip, nakapaligid na dingding,
katawa'y sabay na namamawis at nanlalamig.
ito ba'y paru-parong lumilipad sa sikmura?
ba't tila naging agila, matapang at nanunuka
paikot-ikot, naggagala, at hindi makalaya
walang ibang nais gawin kundi manggambala
away o gulo man, sa loob at nararamdaman
daig pa ang pengwin na nangaliwa sa katipan
kahit pa si Marcos ay ipahukay sa libingan
hindi mapapawi ang delubyo sa kaloob-looban
ang mga tinuturo sa harapa'y ano-ano ba?
bakit pinagsasama ang numero't letra?
isa, dalawa, tatlo, ano nga ba ang ika-apat?
6x + 2 equals epiko at alamat?
bawat tapik ng lapis at dining,
kahit sa hilo ay nabibingi
parang hinahampas ng alon sa haligi
o 'di kaya'y mga asong walang tigil sa pagdaing.
tatlong salitang nais ko nang sambitin
reklamo't alulong, parating nabibitin.
kailangang ipadinig at isigaw ang mga ito.
tatlong salita: nagugutom na ako!
141 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on August 21, 2017
(4)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.