Are you sure you want to report this content?
13th. Ikalabing tatlong writing ko na tungkol sayo. Sana huli na. Sana hindi na to masundan pa.
4:14am ng umaga, hindi na ako nakatulog nang magising ako kaninang 11pm. Hindi ka nawala sa isip ko.
Kahit na ang dami kong iniisip, kahit na ang gulo gulo ng utak ko ngayon dahil sa mga bagay na hindi ko maintindihan, kahit na ang dami kong ginagawa, kahit na ang daming nangyari ngayon at kahit na marami akong bagong nakilala,
Hindi ka nawala sa isip ko.
Andito ka pa rin. Kahit na anong gawin ko. Palagi ka pa ring may lugar dito.
Sabi ko, ayoko na. Ayoko nang isipin ka. Ayoko nang gustuhin ka. Ayoko nang isipin ka pa hanggang sa hindi na ako makaahon sa pagkalunod ko sayo. Ayokong umabot pa sa kung saan hindi na ako makakabitaw pa. Kaya hanggat kaya ko pa, hanggat hindi pa ako nagkakadahilan para hindi ka bitawan, hindi ko na susubukan pang hawakan. Hindi ko na hahayaan pang lumalim kung anuman itong nararamdaman ko para sayo, kasi alam na alam kong wala din namang patutunguhan to. Kase alam ko, alam kong sa simula palang kahit hindi ko pa nasisimulan, ako na ang talunan.
Hindi ko namamalayan, ang dami ko na palang kathang isip na nagawa sa utak ko. Mga imahinasyon na malayo na pala sa realidad. Mga mundong ginawa ko sa ulo ko na akala ko pwede tayo. Ngayon ko narerealize na hindi pala mangyayari lahat. Na hanggang kathang isip lang pala.
Nagsisimula na ako. Pakonti konti, dahan dahan na kitang binubura. Kahit gaano mo ako napasaya ng hindi mo alam, kahit na pinaramdam mo sakin kahit konti na may pag-asa pero wala talaga. Binabagalan ko lang, unti unti lang. Makakalimutan rin kita.
Sana ngayon, ngayong mga panahon na hindi kita nakikita, ngayong mga panahon na nagkakaroon ako ng oras para makalimot, gusto kong sabihin na hanggang dito nalang to. Gusto kong sabihin na huli na to.
Sana sa pagpunta ko sa ibang lugar, hindi na ikaw ang maisip ko kundi sarili ko lang. Susubukan ko, susubukan kong alisin ka na sa isip ko habang nasa bakasyon ako. Habang sarili ko lang ang mamahalin ko.
Huwag kang mag-alala, sa tingin ko naman hanggang dito nalang to. Pipilitin ko ang sarili ko. Tatapusin ko na yung nararamdaman ko. Kakalimutan ko na lahat. Kung paano mo ako napapatakbo sa tuwing makikita ko ang kotse mo. Kung paano ako kinikilig sa tuwing maaabutan ko sa parking lot yung kotse mo kasi at least sa mga panahong iyon, alam kong andun ka. Kakalimutan ko yung mga signs, signs na pwede mo rin akong magustuhan. Kakalimutan ko yung araw na halos hindi ako makahinga kasi sobrang lapit mo. Kakalimutan ko kung paano tayo nag-usap noon sa loob ng weights room. Kakalimutan ko yung unang beses na nagkaron tayo ng litrato. Kakalimutan ko yung mga panahong nagsisit in ako sa class mo tapos mapupunta sa kung ano ano yung usapan sa klase nyo. Kakalimutan ko na hindi ka nawawala sa IG stories ko, na lagi kang nandun, lagi mong nakikita yung mga kalokohan ko. Kakalimutan kita. Susubukan ko, pipilitin ko.
Alam ko, 5, 10 years from now? May pamilya ka na. Hindi ko na hahayaang mahal pa rin kita sa mga panahong yon. Hindi man kita mahal, paniguradong may lugar ka pa rin naman sa puso ko. Pero ngayon, sana hanggang dito nalang to. Sana matapos na to.
Sana sa pagtatapos ng taon, kasabay nito ang pagtatapos ng nararamdaman ko para sayo. Sana sa pagpasok ng bagong taon, hindi ko na maramdaman pa yung pagtibok ng puso ko sa tuwing makikita kita. Sana mawala na lahat ng epekto mo sakin, sa tuwing ngingiti ka. Sana sa huli, mabura lahat ng kathang isip ko.
35 Launches
Part of the Love collection
Published on December 17, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.