launchora_img

Kol Senter

Info

Sabi sa artikulong nabasa ko sa diyaryo, "Mayroon na lamang kakaunting panahon ang mga nagtatrabaho sa BPO upang paunlarin ang kanilang kakayahan. Sapagkat sa loob ng di hihigit sa limang taon, marami sa kanila ay mapapalitan na ng mga makinang kung mag-isip ay tao (isinalin mula sa wikang Ingles).

Tayo ay lubusan na ngang kinain ng ating paghahangad sa mas madaling pamunuhay. Pamumuhay kung saan ang sentro ay makina. Makinang may di matumbasang kakayahan. Kakayahang idinesenyo para gawin ang mga bagay-bagay. Bagay-bagay na dapat tao ang gumagawa.

Paano mo nga ba malalaman kung ang katalinuhang taglay mo ay labis na? Labis na sa puntong hahayaan mong magdusa ang nakararami upang maipamalas lamang sa mundo na lahat ng bagay ay kaya mong gawing perpekto. Sapat na ba ang dahilang "tayo ay nasa panahon ng teknolohiyang magpapadali ng mga gawain"? Ang dahilang "teknolohiya ang sumusukat kung nasaang uri ng daigdig ka " ay sapat na ba upang isaalang-alang ang kumakalam na sikmura ng iyong bayan?

Walang masama sa paghahangad umunlad. Sino nga ba naman ang nais mapag-iwanan. Subalit kung ang pag-unlad ay magbibigay tuldok sa larangang inaasahan ng karamihan, sa larangang pinagkukunan ng hapunan ng maliit na mamamayan, at sa larangang kahit inuulan ng pang-aalipusta at pangmamaliit ng mga banyaga at kapwa Pilipino ay patuloy pa ring ginagawa ng may dangal, baka hindi ito pag-unlad. Baka ito'y maging daan sa paglaki ng bilang ng walang trabaho at pagkalam ng sikmura ng maraming tahanang Pilipino.


4 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Genius
Glow of the Moonlight

A fangirl's thougt...

11
Five Hues of Blue

To the Dearest Peter Pan of Wendy, I love you. Sincerely, Tinkerbell

00
Tula Para sa Wala

Nagnanais ka bang maging malaya?

00

Stay connected to your stories

Kol Senter

38 Launches

Part of the Society collection

Updated on August 06, 2017

Recommended By

(4)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.