Are you sure you want to report this content?
Kapag dumating sa punto
Na ikaw ay yumuko
At ninais mo nang lumayo,
Hindi ako susuko,
Hahatakin kita papalapit sa piling ko.
Pakinggan mo ang tibok ng puso ko,
Nawa ay umabot sa'yo ang bugso nito.
Mahal ko, narito lamang ako.
Kaya Ginoo,
Huwag kang magpapatalo
Sabay nating lalagpasan ang sakit at pasakit ng mundo
Hanggang sa marating natin ang dulo
Narito ako...
Kakampi mo...
At palaging nasa tabi mo.
Sa akin mo ibuhos ang galit
Ng puso mong naninikip.
Sa akin mo idaing,
Ang mga salitang hindi nila piniling marinig.
Sa akin mo ihagis,
Ang iyong paghihinagpis at pagtitiis.
Sapagkat mahal ko,
Hindi lamang sa saya nasusukat ang pag-ibig ko.
Hindi sa kilig nabubuhay ang "tayo".
Hindi salapi ang pundasyon
Ng matatag na relasyon.
Kundi sa kung paano natin sagipin ang isa't-isa
Sagipin kapag nalulunod na sa problema,
Sa lungkot.. Bakit hindi pa mawala?
Kaya kapag dumating sa punto
Na ikaw ay yumuko
At ninais mo nang lumayo,
Hindi ako susuko,
Hahatakin kita papalapit sa piling ko.
Pakinggan mo ang tibok ng puso ko..
Nawa na makarating sa'yo ang bugso nito.
Mahal ko, kakampi mo ako.
Sa akin ka dumantay
At hawakan ang aking kamay
Sabay nating palayain ang lumbay
Habang sa ganda ng langit — tayo'y nakatunghay.
Kaya kapag dumating sa punto
Na ikaw ay yumuko
At ninais mong lumayo...
Hindi kailanman ako susuko.
Pangako.
Masakit din pala pilitin ang sarili na umiwas sa gulo ngunit ikaw pa rin ang sisisihin sa dulo.
2017 Launches
Part of the Poetry collection
Published on June 15, 2020
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.