Are you sure you want to report this content?
Sa gitna nang paglalakbay,
Nakaramdan ako ng lumbay
Lungkot na umaapaw
Dahil sa puso kong uhaw
Alaala nating dalawa
Hindi pa rin mawaglit sa isipan
Mga tanong na matalinhaga...
Hindi pa rin masagot kung bakit mo ko iniwan.
Dapat ako'y masaya
Sapagkat kapiling mo na siya.
Ako'y nagparaya,
Maging maligaya ka lang, Sinta.
Kahit ito'y magdudulot nang kakaibang sakit
'Di ko pa rin piniling pumikit
Hindi ako nagpumilit
Sapagkat ayokong ika'y maipit
Tahimik
Hindi na umimik
Patagong humihikbi
Dahil sa huli,
Napagtanto
Ang gago mo!
Binaliktad mo ko
Bakit? Tarantado!
Naniwala ko sa iyong mga salita
Mga binitiwang salita
Mga pangako't pag-aalala
Pero naiintidihan pa rin kita
Sapagkat nasa punto ka na ayaw mong nang mapag-isa
Bumalik ang pag-ibig mo sakanya
Sigurado na
Siya yung babaeng di ka iiwan kahit gago ka
Aking napansin
Naglaho na ang pagtangi mo sa akin
Di ko na makita ang saya sa'yong mata pag ako'y napatingin
Hindi mo na rin ako pinapansin
Teka
Ako'y nahihilo na
Ayokong masuka
Hanggang dito na lamang, Sinta
Mahal pa rin ba kita?
ps. Nagawa ko itong tula habang bumabyahe kami pauwing probinsya noong 2018.
May isang tao na handang samahan ka na harapin ang iyong mga problema kaya huwag kang sumuko.
0019 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on May 17, 2020
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.