launchora_img

MAGKAIBIGAN

Info

Why cant it be
Why cant it be the two of us
Why cant we be lovers
Only friends

Bakit nga ba?
Di ba pwedeng magka-ibigan ng tuluyan ang magkaibigan?

Friends, magkaibigan, yan tayo eh!
Ang daling bigkasin subalit ang hirap unawain
Ang sarap damhin pero kay hirap nitong panatilihin
Kahit anong pagpipigil ang gawin
Inaasam ng puso na sanay maging higit pa doon ang sa atin

Ngayon, gusto kong simulan ang tulang ito sa katagang, Alam Mo.

Alam mo, na mahal kita.
Bali-baliktarin man ang mundong ito
Sigurado ako, na mahal kita
At alam kong alam mo na Mahal kita

Alam mo, na ikay sagot sa mga panalangin ko
Sa wakas, dumating din ang taong magpapabago sa puso kong ito
Nag-iba ang tingin sa larangan ng pag-ibig
Binigyang kulay ang mundo kong datiy kulay itim

Niyayakap pag nalulungkot
Tinatapik kapag nawawalan ng lakas ng loob
Nginingitian sa kabila ng mga pang-aasar ko
Hinahawakan ang mga kamay kapag naninibugho

Mga halik mo sa pisngi ko
Sabay lambitin sa mga brasong pilit pinapalakas
"Huwag kang mawawala sa akin ha?"
Mahal, kaysarap pakinggan.

Subalit ihip ng hangin ay biglang nagbago
Nagising isang umaga, ikay nag iba na
Nag uumpisang kabahan
"Huwag naman sana" mga salitang namutawi sa mga labi ko

Kung gaano mo ako titigan ay ganun mo rin akong nilalagpasan at baliwalain
Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko nung una kitang nakilala ay ganun ka din kabilis mawala na parang bula
Bakit pati mukha ng pag-ibig ay kinalimutan mo na?
Kung datiy naglalakad sa kalawakan ngayon ay nag-iisa sa kawalan

Nalilito ako
Bakit? Bakit biglang nagbago?
Naiinis ako.
Bakit biglang naglaho?
Nasasaktan ako.
Hindi dahil sa paglimot mo sa mga pangako nating dalawa
Kundi dahil alam kong alam mo, na nasasaktan ako.

Unti-unting bumabaliktad
Naninibugho sa tuwing hawak niya ang iyong mga kamay
Naaasar sa tuwing ngingitian mo siya
Nawawalan ng lakas ng loob sa mga tapik mong kanya na
Nalulungkot sa tuwing niyayakap mo siya
Ang mundo kong makulay unti-unting nilalamon ng dilim
Dinadala sa ibang aspeto sa larangan ng pag-ibig
Ikaw na nagpabago sa puso kong ito ay biglang naglagay ng wakas
Sa puso kong umaasa
Hindi naman ito kasali sa ipinalangin sa Diyos
Saan nga ba nagkulang?
Saan nga ba nagkamali?
Binigay ko namang kahat
Tsokolate, rosas, pagmamahal, panahon at oras
Pero bakit hindi pa rin sapat?

Ngunit, kaibigan pa nga rin ba akong maituturing?
Nagka-ibigan lang, pero hindi itinadhanang magkatuluyan
O Sadyang ayaw lang makuntento
Andyan na nga, naghahanap pa ng iba.


1 Launcher recommend this story
launchora_img
launchora_imgWeeping Angel
6 years ago
Ayos, relate na relate po ako. Pagkabasa ng caption pindot agad hahahaha. ❤❤
launchora_imgHazel Walkfar
6 years ago
Madami nang friendzoned ngayon. haha!
More stories by Hazel
Tapos na (Reverse Poetry)

Confused ako sa tulang ito. Haha!

20
MAGKAIBIGAN

A spoken poetry performed by yours truly and my best friend. Another "Magkaibigan" version.

10
Mahal Kita (Reverse Poetry)

First time sumulat ng reverse poetry. Try lang. :)

41

Stay connected to your stories

MAGKAIBIGAN

68 Launches

Part of the Love collection

Updated on October 30, 2017

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.