launchora_img

MAGKAIBIGAN

Info

Girl & Boy:

Mahal kita ng higit pa sa isang kaibigan

G:

Magsisimula ang tulang ito sa katagang “hindi mo alam.”

Hindi mo alam, grade 3 nang una tayong magkatagpo

Hindi pa man alam ang pangalan moy, natatawa na saiyong mga biro

Alalang-alala ko pa nang ikay biglang lumapit

Ang akala kong simula ng pagkakaibigan, iyon pala ay asaran

Nakakaiyak sa tuwing akoy iyong napagkakatuwaan

Yung feeling mo na ang pogi-pogi mo at ang puti-puti mo pero ikay kabaliktaran naman ng iyong bestfriend

Nakakainis mang sabihin, pero mukha moy naging pambungad sa araw-araw

Hanggang sa tayoy tumuntong ng grade 6

Grade 6, ng nakaramdam ng hiya

Hindi makatingin at makapagsalita sa tuwing ikay nar’yan

Doon ay napagtanto, ng batang puso gusto ka na pala

Pero mananatiling iyong “hindi mo alam.”

B:

Hindi mo alam, grade 3 nang una tayong magkatagpo

Hindi pa man alam ang pangalan moy, gusto ng magpasikat

At akoy nagtagumpay ng biro koy iyong napansin

Kayat sa asaran nalang ipinarating

Nakakatuwa kang tingnan sa tuwing ikay malapit ng umiyak

Kasabay din ng pagka-inis ko sa tuwing ikinokumpara mo ako sa bestfriend ko

Oo, siya na ang maputi at gwapo pero gwapo din naman ako sa kulay kong ito

Bangayan ditto, asaran doon ganyan tayo hanggang sa tayo ay magtapos

Pero tayoy muling hindi na nagkita

Pagkatapos ng elementarya

Pero aaminin ko, namimiss ko ang mga alaalang iyon

Pero iyon ay mananatiling “hindi mo alam.”

Girl and Boy:

Pero tadhana ay sadyang mapagbiro

Tayoy muling nagkatagpo

“OOY! IKAW PALA YAN!”

Makalipas ang ilang taon,

G:

IKAY MAITIM PARIN :D

B:

IKAY PAYAT PARIN :D

Girl and Boy:

At sa hindi inaasahan

Ditoy nagsimula ang ating pagkakaibigan

Nagsimula sa hiyaan

Ngayon ay kanya-kanyang kawalang-hiyaan

Utot na mas malakas pa sa tawa

Bangayan na walang mapaglagyan

Gaya parin ng dati

Pero ngayoy iba na ang ngiti

Mas seryosong usapan

Mahaba-habang kwentuhan

May kunting takbuhan

Takbuhan ng mga iyak, sumbong at problema

Girl and Boy:

From self-proclaimed bestfriend to bestfriends for real

B:

Parts, gumawa ka na ba ng assignment?

G:

Parts, may quiz tayo bukas.

B:

Parts, tulungan mo ako dito.

G:

Parts, turuan mo ako nito.

B:

Parts, nagugutom ako.

G:

Parts, libre mo naman ako.

B:

Parts, galit ka ba?

G:

Parts, mag usap tayo.

B:

Parts, okay ka lang ba?

G:

Parts, nakakainis ka!

Girl and Boy:

Parts, sorry. Sorry.

B:

Magtatapos ang tulang ito,

Sa katotohanang

G:

Kahit lang beses kong sabihin na “hindi mo alam.”

B:

Kahit ilang beses kong isipin na “hindi mo alam.”

Girl and Boy:

Alam ko.

Alam kong alam mo.

Na mahal kita ng higit pa sa isang kaibigan.

At alam kong alam mo.

Na mas magtatagal ang TAYO kung mananatili tayong

MAGKAIBIGAN.


1 Launcher recommend this story
launchora_img
More stories by Hazel
Tapos na (Reverse Poetry)

Confused ako sa tulang ito. Haha!

20
Mahal Kita (Reverse Poetry)

First time sumulat ng reverse poetry. Try lang. :)

41
MAGKAIBIGAN

Para sa mga na friendzoned.

11

Stay connected to your stories

MAGKAIBIGAN

72 Launches

Part of the Poetry collection

Published on November 26, 2017

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.