Are you sure you want to report this content?
Mahal kita
Pero di tulad ng pagmamahal mo sa kanya
Gusto kita
Pero mas hihigit ang pagkagusto mo sa kanya
Masasabing kakaiba ang aking nadarama
Gusto kita pero ayaw kong maging tayo
Mahal kita, oo maaaring mahal kita
Pero kaibigan lamang ang maituturing ko sayo
Sino nga ba ang may kasalanan
Kung bakit ganto na lang ang aking naramdaman
Ang ngiti mo ba na dinaragdagan
Ang tuwa sa aking puso na patungo na sa walang hanggan
Sige na nga ipapaliwanag ko pa
Mahal na mahal na mahal kita
'Di kakayanin ng puso kong mawala ka
Walang lalamang sayo, wala nang iba
Kapag kasama kita lumiliwanag ang mundo
Gumagaan ang dibdib, bumibilis ang puso ko
Dahil alam kong ako'y ligtas sa piling mo
At bawat salitang binibigkas ko ay pinapakinggan mo
Hinihiling sa bawat oras ay kapiling ka
Kasi nga pag andyan ka iba ang nadarama
Tumitigil ang mundo, aaminin ko kinikilig ako
Dahil ang tulad mo may oras para sa isang katulad ko
Natuto akong lumabas sa mga pader ko
Na natumba rin dahil sa kagagawan mo
Nung una unti-unti pa
Hanggang sa dumating ang lindol at pinaguho mo na
At wala naman akong nagawa
Kasi nga mahal kita
At handa akong masaktan dahil nga
Gusto ko andyan ka lagi sa tabi ko
Kahit na sobrang kulit at clingy ko
Kasi nga mahal kita
Bilang isang napakabuting kaibigan
Hindi ka-ibigan, magkaiba yan
Yan ang iyong tandaan
Sasabihin nila
"Pareho nga lang yon"
"Doon din patungo yon"
Ha, edi sila na
Ikaw yung tipo ng taong hinahalikan
Pero sa noo lang
Sa pisngi kung minsan
Pero parang kapatid lang
Hahawakan ang kamay
Kasi kailangan ng karamay
Walang malisya
Walang problema
Handa akong suportahan ka
Kahit sa panliligaw sa kanya
Kasi pag nagtagumpay ka
Tagumpay ko na rin ang sumaya ka
At hindi ako masasaktan
Kasi nga ika'y aking kaibigan
Lamang, pakitandaan
Nga pala mahihiya ako
Na aminin lahat ng ito sa iyo
Kasi nga di mo maiintindihan
Baliw rin kasi ako minsan
Hindi ako hihiling ng higit pa
Hindi ko talaga nais na maging tayo
Isa itong espesyal na uri ng paghanga
Kung saan ang pagmamahal ay hindi romantiko
Basta alam ko sa sarili ko
Na mag-beshie na tayo
At alam ko rin, oo
Na mahilig ka rin sa gwapo
Kaya kahit anong kailangan mo
Pwera lang sagot sa quiz, drugs, o pera
Ibibigay ko sayo
Ipagkakait ko ba, e mahal kaya kita
Hindi man tayo magtagal
Kasi alam ko huling taon na natin ito
Sana man lang tumatak ako sa puso mo
Bilang taong andyan na sayo'y nagmamahal
39 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on July 29, 2017
(3)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.