Are you sure you want to report this content?
Sa bawat araw na dumaraan
Simula noong mangyari ang trahedyang hindi inaasahan
Unti unting nagiging parang
Isang abandunadong gusali
Ang dating isang paraisong munti
Mga nakakahawang ngiti
Na ngayon ay nabalot na ng lagim
Mga masasayang tawa
Na ngayon ay may kasama ng balak na maitim
Ano na nga bang nangyari
Sa dating batang puslit?
Ngayon, tila ba'y nahihirapan ng pumikit
Gabi gabing mulat
Isip ay sumasalungat
Sa mga diablong bumubulong
At nagbabadyang mangagat
Pinipilit silang itulak
Para ang mga dugo ay hindi dumanak
Hindi kumalat ang sakit ng kahapon
At hindi na maapektuhan ang ngayon
Ang batang may kakaibang ngiti
Hindi pansin ang misteryo na nababalot sa kanyang labi
Mga luha na gusto ng mag-unahan sa pagtulo
Walang nakapansin na kahit sobrang nagniningning ang kanyang mga mata
Punong puno naman ang mga braso nito ng marka
Mga markang nagsisislbing tanda
Na ang bawat isang guhit nito
Ay may istoryang walang makakapagsabi kahit sino
Isang parang museyo kung titingnan
Ngunit kapag napasok mo ay isa palang purgatoryo
Isang purgatoryo na pinag-iimbakan ng mga masasamang alaala ng nakaraan
Para sa iba, hindi ordinaryo
Pero para sa isang tulad nyang musmos pa lang
Isa na itong lugar na kanyang kilakihan
Kutsilyo, blade at lubid
Mga bagay na kanyang naging kaibigan
Hindi mo masisisi ang isang batang nakagapos sa isang silid
Pinilit nyang kumawala sa mga bakal ng kahapon
Pinilit nyang tanggalin lahat ng puot, galit, pighati
At muling bumangon
35 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on May 01, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.