launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Salamat sa pagbitaw mo sakin

Info

Gusto mo ba talaga?
Ang laging panimula
Akala ko'y payag ka
Yun pala'y ayaw mo na

Pinag-isipang mabuti
Yun pala ay walang silbi
Kaya hindi mo masabi
Dahil ako'y sa'santabi

Mag-uusap na sana
Ngunit ika'y nasan na?
Lagi na lang bukas na
Dahil tatanggi pala

Sinayang mo na nga ako dati
Bakit "mahal pa kita" ay nasabi?
Nasanay na ika'y nasa tabi
Kaya't hindi makapagsarili

Akala sarili'y hindi na aasa
Bat isang ngiti at ulit bibigay na?
Sabi mo pa'y bagay kami ng iba
Alam mo ba na mahal pa rin kita?

Sabi mo'y gustong pag-isipan pa
Pero yun pala ay may gusto kang iba
Sana ay hindi na pinatagal pa
At agad sanang umayaw ka na

Hindi yung malaman kong pumayag ka
Tapos nang mag-usap ay ayaw mo na
Na parang tayo'y nag lolokohan lang ba
At ako lamang ay iyong pina-asa

Sakanya'y ano bang nakita mo?
Mas maganda ba sya para sayo?
Sya lang ba ay panakip butas mo?
O sya ay iyo talagang gusto?

Kaibigan na nga lang ba?
O magkakabalikan pa?
Wala na nga bang pag-asa?
Para sa ating dalawa?

Bakit pa ba aasa?
Na ako'y mahal pa
Kung wala na talaga?
Tama nang pagpapakatanga

Sarili'y hindi sigurado
Nadala lang ba talaga ako?
Pagmamahal ba'y naglaho?
O sadya lamang tinatago?

Pero hayaan mo na
Ika'y kakalimutan na
At magmamahal ng iba
Dahil ikaw at ako'y wala na

Hindi na manghihinayang sayo
Pagsisisihan mo't sinayang ako
Sa ilang beses nating nagtalo
Mabuti na't hindi na muling naging tayo

Siguro nga't nadala ng nararamdaman
Ngunit hindi na magbubulag-bulagan
Pagmamahal sayo'y aking natuldukan
Tama na ang luha't damdaming nasaktan

Sa muling pagkikita natin
Ito'y aking masasabi din
May matatawag na 'kong akin
Salamat sa pagbitaw mo sakin


7 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgBaby Blue Eyes
5 years ago
Ang ganda ng hugot tula. Letting go.
launchora_imgMarie Simera
6 years ago
Daming hugot nito.Sa sobrang sakit parang may pagka bitter pa rin iyong na sa tula tama ba ako?Pero sa ending napagtanto na niya na hindi na katulad ng dati kaya kailangan na talagang bumitaw.
Yup bitter pa sya nung sinulat nya yan ahaha pero at least she learned in the end :) and mas na encourage sya na mag grow and to keep on going sa buhay
launchora_imgMarie Simera
6 years ago
Tama hindi lang naman siya ang guy sa mundo, malay mo makakita pa siya ng higit sa kanya.Oo nga pala tula nga pala siya ang na sa isip ko nanyari sa totoong buhay.
Tama tama ahaha! Ayt talagaa? Kaninong buhay naman yun? :) ayiehh ahaha gusto mo sa message na lang tayo usap?
launchora_imgMarie Simera
6 years ago
Puwede,ilan taon ka na ba?Gumagawa ka rin ba ng mga story bukod sa poem?
Hmm sinubukan kong gumawa ng story pero tinatamad ako lagi tapusin ahaha? 16 ako ikaw? Ilang taon ka na?
launchora_imgMarie Simera
6 years ago
Parang ako hahaha laging umpisa lang.30 na ako nagbabata-bataan lang.
More stories by アンジェリカ
Can you blame her?

Misjudgment leads to depression

94
Distance

The distance between us

72

Stay connected to your stories

Salamat sa pagbitaw mo sakin

71 Launches

Part of the Poetry collection

Updated on May 07, 2018

Recommended By

(7)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.