Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Mahal, naiisip mo kaya ako ngayon?
10:56 Na nang gabi
Nangangatal ang mga labi
Sa kakaiyak at kakaisip
Mahal, ngayon bay ako na saiyong isip?
10:57 Kay bagal ng oras
Panahon kaybagal lumipas
Nararamdaman ng pusoy gusto ko nang kumupas
Masakit paabutin ang bukas
10:58 Gusto kong marinig ang boses mo
Ang mga biro at tawa mo
Pero mananatili nalang panaginip iyon
Sapagkat wala na ang tayo
10:59 Kamusta ka na kaya mahal?
Ikaw bay natutulog pa rin bang nakaharap sa electric fan at walang pang itaas?
Nakakasama iyan sa iyo
Kaya sanay naaalala mo pa mga paalala ko
11:00 Kumakain ka ba sa tamang oras?
Nagluluto ka na ba ulit gaya ng dati?
Siguraduhin mong wag magpalipas
Para hindi magkasakit
11:01 Twitter na naman ba ang kaharap mo?
O sinong tinitingnan mo sa facebook
Sana ako pero alam kong malabo
Sino ba naman ako para pag-aksayahan ng oras mo?
11:02 Mahal, gising ka pa kaya ngayon?
Ang alam ko alas dyes pa lang natutulog ka na
Mas mabuting wag magpuyat
Para mas maagang makabangon
11:03 O nakikipag-inuman ka na naman ba?
Mahal, wag mo nang uliting mag-inom mag-isa
Mas maiging may kasama
Para may karamay ka
11:04 Sigurado ako magugutom ka na naman sa gitna ng gabi
Babangon ng walang pasintabi
Magluluto ng paborito mong itlog
At pagkatapos ay babalik ulit sa tulog
11:05 Nakahanda ba lagi ang tubig mo sa kwarto mo?
Madalas kang mauhaw
Siguraduhin mong napapalitan iyan ng bago
Pakatandaan mo iyan araw-araw
11:06 Ang cellphones mo, fully charged ba?
Mayat-maya mong ginagamit
Dapat pinagpapahinga mo rin
Ng hindi masira
11:07 Nakailang sindi ka ng yosi ngayong araw?
Pinipilit kong pigilan ka
Pero anong magagawa?
Iyan ay nakasanayan mo na
11:08 Makailang ulit ka din bang bumabalik ng tindahan para bumili ng paborito mong chichirya?
Namimiss ko kung paano ka kumain ng mang juan
"wag kang humingi ha?" hahaha!
Para kang bata kung makapagsalita
11:09 Mahal, namimiss na kita
Mahal, namimiss kita
Mahal, namimiss kita
Mahal, miss na miss na miss na kita
11:10 Bukas sa pag gising mo
Sana maalala mo, na may nagmamahal sayo
Hindi na ako umaasa sa tayo
Dahil alam kong nalagyan na ito ng tuldok
11:11 Sabi nila humiling ka, at magkakatotoo
Mahal, mahal na mahal kita
Isa lang ang hihilingin ko
Na sanay mapabuti ka.
...
A spoken poetry performed by yours truly and my best friend. Another "Magkaibigan" version.
1032 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on December 21, 2021
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.