launchora_img

Si Bernardo Carpio

Info

Ako na lang palagi

Ang sumasalo at nakikinig

Ang kumakalma sa isip

at bagabag ng dibdib.


Ako na lang palagi

Ang kinakausap 'pag sawi

sa pag-ibig, trabaho,

pati sa pambayad sa tubig.


Ako na lang palagi

Ang ina-akayan kapag napipilay

At 'pag 'di tumitigil ang luhang

Ayaw sa mga mata mong lumisan.


Ako na lang palagi

Ang tagapag-hatid ng saya sa mga

Mukha ninyong 'di na tumigil sa pamumula

Dahil sa ilang beses na pagpahid at pagpunas.


Ako na lang palagi

Ang kaibigang masasandalan,

Mahihiraman, mapapagkatiwalaan

At siguradong maaasahan.


Ako na lang palagi

Ang tropa ninyong 'di napapagod

At nagpupursigi at may patutunguhan

at may maliwanag na kinabukasan.


Ako na lang palagi--

kaya't kapag ako naman ang naghahanap ng kausap

Sa tuwing 'di ko na kayang kumalma

At 'di mapatigil ang bagabag ng dibdib

Wala sa akin ang sumasalo't nakikinig.


Ako na lang palagi--

Kaya't kapag ako naman ang sawi,

kapag ako naman ang pagod sa trabaho

at nagigipit pambayad ng kuryente at tubig,

Wala sa akin ang tumutugon.


Ako na lang palagi--

Kaya't kapag ako naman ang napipilay at hirap tumayo,

Kapag ang luha ko'y ayaw talagang tumigil at lumisan,

Nanatili lang akong nakalugmok sa sahig

At nag-iisip kung may punto pa ba ang pagbangon.


Ako na lang palagi--

Kaya't kapag ako naman ang 'di makatawa,

kapag ang mga mata't mukha ko'y namamaga't namumula

Pilit itong nakakubli't 'di hinahayaang mapansin ng sinuman

Sapagkat ako--Ako lang--


Ako na lang palagi

Ang kaibigang matutungkuran, mauutangan, mauuto

Na tumulong sa inyo't ma-aasahan palagi 

Na magbigay solusyon sa problema ninyong

Dapat ay maging problema ko rin


Sapagkat ako lang--Ako na lang palagi--

Ang sa atin ay hindi napapagod (kahit na sawang-sawa na)

Ang sa atin ay laging nagpupursigi (Kahit na 'di alam kung para saan)

Ang sa atin ay may maliwanag na kinabukasan (na kayo lang ang nakakita)

Ako lang palagi--Ako lang talaga.


Ako lang palagi.

Ngayon malinaw na nga:

Ako lang naman palagi...

Ako nga lang palagi...


-R


It's my birthday...


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by The_R_
Black Hole

I have a box of letters for people to read when I die--half of them are for you.

00
Enough

I know everyone tries and we're all suffering; that doesn't mean I can't feel sad for myself.

00
ATLAS

So yeah this is me trying to write my anxiety off and it's..working..that's weird..? -R

00

Stay connected to your stories

Si Bernardo Carpio

36 Launches

Part of the Society collection

Published on January 05, 2020

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.