launchora_img

Simula at Wakas

Info

Pano ko ba tatapusin ang bagay na hindi pa nasisimulan?
Mga bagay na hindi ko na malaman kung nasaan.
Damdaming hindi ko na maramdaman.
Mga taong pilit kong kinalilimutan.
At pagdurusang tila walang hanggan.

Paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili
tayo ba ay hanggang huli
ngunit mali pala ang nasa isip ko
Dahil sa simula palang
Alam ko na ang kahihinatnan
kailan man ay hindi naging tayo.

Tayo...
Tayo na naging masaya
na tila sa buhay ay kontento na
magkahawak kamay, halik sa pingi at kung ano ano pa.
Na ani ng iba ay di na mapaghiwalay pa.
Ngunit lahat ay ilusyon lang pala.

Ako...
Ako na umasang mamahalin mo.
Umasang ako ang babaeng pag aalayan mong muli  ng puso mo.
Ako na tumanggap sayo ng buong buo,
tiniis ang bawat pagbaon ng bawat piraso ng nadurog mong puso,
isa isang pinulot at pinag sikapang buuin,
di alintana ang sakit at hapdi,
pagkat wala nang mas sasakit pa
kaysa makita ang minamahal mong humihikbi.
Ako na nagsilbing sandalan mo sa mga oras na gusto mo nang sumuko.
Ako na naging panyo sa oras na mga luha mo'y nais nang tumulo.
Ako na patuloy na nariyan,
ngunit para sayo ay tila wala lang.
Ako na pinaniwala mo noon na malahaga
ngunit naalala ko, kaibigan mo nga lang pala ako.
Ako na narito parin,
naiwang mag isa,
ngayong masaya ka na.

Ikaw...
Ikaw na nagsilbing inspirasyon
Ikaw na unang lumapit sa akin noon.
Naalala ko pa kung paano mo ako nginitian
at tinanong ang aking pangalan.
Labis ang tuwang aking naramdaman.
Dahil sa unang pagkakataon,
ika'y aking nasilayan.
Ikaw na nakikita ko lang mula sa malayo.
Ikaw na nagbigay ng ingay sa tahimik kong mundo.
na di ko naisip na dala mo pala'y gulo.
Ginulo mo ang aking buong sistema,
Ngunit ikaw din ang dahilan kung bakit ko pa kinakaya.
Ikaw na nagpinta ng ngiti sa maputla kong mga labi.
Dahil sa nakakahawa mong mga ngiti,
Na nagiging dahilan ng pag init ng aking pisngi.
Ikaw ang naging daan upang masilayan kong muli
Kung gaano ka ganda ang mga kulay ng mundong
aking pinili.
Ngunit ikaw rin ang dahilan kung bakit kailangan kong lumisan,
Hindi para ika'y iwan.
Kundi para aking pakawalan
at tuluyan nang mabitawan
itong aking dinaramdamam
At mapalaya nang tuluyan ang sarili
Dahil sa katotohanang s'ya parin ang iyong pinili.

Ang akala kong tayo
ay tila sumisikip na,
na mistulang parang isang lubid,
nakakasakal, na tila di ka na makahinga.
Gusto kong kumawala dahil halos ikamatay ko na,
Pagkat meron na palang siya.

S'ya...
S'ya na dahilan ng iyong pagluha,
S'ya na nang iwan dahil nagsawa.
S'ya na walang ginawa kundi saktan ka
at iwan kang durog at nag iisa.
S'ya na kung ituring mo noon ay isang prinsesa,
kahit magmukha ka pang aliping sunod sunuran sa kanya.
Sya na dyosa na iyong mga mata
na kung iyong pagsilbihan ay sobra sobra na halos wala ka nang itira.
Siya na hindi ko maintindahan kung bakit bumalik pa.
Ngunit kahit ganun pa naman
batid ko na s'ya parin at walang makahihigit
kahit gaano ko pa ipilit.
Na s'ya, S'ya parin ang babaeng nakalaan para pag alayan mo ng 'yong puso.
S'ya na nagmulat sakin na kailangan ko nang sumuko.
Na lahat ng kahibangan ko ay mag hangganan at umabot na sa dulo.
S'ya na lubos na minamahal mo,
kahit gaano kasakit ang dinanas mo ay tila nag laho
ngayong nakangiting syang nakatayo sa harap mo.
Na S'ya, ang babaeng tunay na nagmamay ari ng iyong puso.

Hindi ko alam
pero dahil sa mga katagang aking binitawan
unti unti ko nang naiintindihan
na hindi kailangang magwakas
hindi kailangan nang simula
dahil ang mahalaga ay ang mga sandali
at pagpapahalaga na nadama ko
kahit ito'y panandalian mula sayo.
At sa pagtatapos ng napakahabang lintanyang to
nagpapasalamat ako sa kanya at sayo
Natuto akong pahalagahan ang sarili ko.

Kaya ngayon,
tuluyan na akong bibitaw.
Sa inakala kong tayo,
Sa mundong ginagalawan mo.
Ako na naging tanga para sa taong minamahal ko.
Ikaw na naging tapat sa taong minamahal mo.
S'ya na bumalik para tuluyan ka nang mabuo, dahil nabatid ko na kailan man ay hindi ako ang bubuo sayo.
Masaya ako na may naging masaya na kwentong ito.
Hindi man ako, pero sapat nang alam ko
na ikaw ay masaya na sa piling ng minamahal mo.
Hindi man ngayon, pero baka sa ibang panahon
o ibang pagkakataon mahahanap ko rin ang tunay na para sa akin. Ito ay akin nang nasimulan at ngayon ay  akin nang tatapusin.


3 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Imogen
Solemn

Can you ever choose what life you can have?

01
Tama pa ba?

Lahat ay pumipigil, dapat na bang itigil?

00
Self Love

Choose yourself first.

01

Stay connected to your stories

Simula at Wakas

73 Launches

Part of the Poetry collection

Updated on August 21, 2017

Recommended By

(3)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.