launchora_img

Tigil Na

Info

'Lahat ng nasisimulan mayroon talagang hangganan'

'Di naman lahat ng bagay kasi mapipililit
'Di naman lahat ng bagay magtatagal
Ang tagal ng samahan
ay di kasiguraduhan
sa matatag na relasyon.

Kapag nagka sawaan na,
Kapag nasasakal kana,
Kapag ang dami ng problema,
Darating din sa punto na
Masasabi mong " Tigil na "

Yung mga panahon
na gusto mong mangumusta,
pero alam mong balewala lang sa kanya,
Yung kapag magkasama kayo pero
Parang yung dati lang na 'di pa kayo magkakilala,
Yung hahawakan mo kamay nya,
pero dudulas lang din pala,
Yung ang bawat salita nya
ay parang wala ng kwenta.

Lahat ng text nya
gusto mong I delete na,
Lahat ng pictures nyo,
Gusto mong itago nalang,
Lahat ng mga pangako nya,
'Di na kapani-paniwala,
Lahat ng titig nya ay
parang naging siklap nalang para sayo

Nawala na ang tawanan,
Nawala na ang kulitan,
Nawala na ang pagbibiruan,
Nawala na rin ang dating pag iibigan

Kinalimutan ang pangakong:
" Mamahalin kita ng sobra";
Mga katagang,
" Habang buhay tayong magsasama";
Mga linyang,
" Hindi kita iiwan,
kailan man hindi kita paiiyakin";
Mga salitang,
" Iingatan kita, ikaw lang wala ng iba,
Mahal kita. Mamahalin kita at di ako magsasawang mahalin ka.
Sa harap ng Panginoon pakakasalan kita
Sa harap ng altar, pinapangako kong Ikaw lang aking sinta,
Magsasama tayo ng panghabang buhay
Mag-iibigan tayo ng puro at tunay
Aalagaan kita, iingatan, pasasayahin".

Ngunit lahat ng yun ay parang binulong niya lang sa hangin,
Nadama mo noong una,
ngunit naglaho nalang bigla.

Ang dating masayang " Kayo "
Nauwi nalang sa " Ikaw jan, dito nako "
Yung walang kasiguraduhan
kung kayo pa ba talaga,
Pinipilit nyong pasiklabin
Ang dating pagmamahalan,
Pinipilit na pag isahin
mga pusong nasugatan,
Pinipilit intindihin ang isa't isa
Pero alam ninyo na malabo na talaga.

Yung kumakapit kapa ng mahigpit
Kahit alam mong wala ka ng pinanghahawakan Kahit kamay mo'y malalapnos na,
Na halos bibitaw kana
Kasi noon paman ay sinukuan ka na nya,

Alam nyo kung saan kayo nagkamali
Alam nyo na sinasaktan nyo lang
Ang isa't isa
Alam nyo na pag ibig ay nawala na
Kaya marapat lang na itigil na

Kapag 'di kayo para sa isat-isa ,
hindi talaga kayo para sa huli.
Pinagtagpo nga kayo
pero hindi naman itinadhana.

At sa panahong magpapaalam na kayo,
Wala ng balikan pa,
Huwag ng bumalik at ulitin pa ang nakaraan,
Kasi alam nyo naman na
mauuwi lang din yan sa Hiwalayan


2 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Disturbed
good mornight

Its 3 am and I cant help but write this down

21
Twisted Reason

When it comes to school works, my classmate never asks the same question again ?

20
Late night

Late at night

10

Stay connected to your stories

Tigil Na

57 Launches

Part of the Love collection

Published on March 04, 2018

Recommended By

(2)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.