launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Unang araw

Info


Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin upang magsulat dito. Napakabihira lang na mangyari ang sipagin akong magsulat muli. Hindi na pala ako dapat na magtaka, ilang daang beses kong pinaalalahanan ang sarili kong dapat magsulat man lang ako ng kahit ano sa isang araw upang mailabas ko ang mga hinaing ko at sanayin na rin ang aking pagsusulat.


Kung ikukumpara noon, hindi na ako masyadong nakatutok sa pagsusulat at pagbabasa ng mga kwento. Hindi na kagaya dati na ilang kwaderno ang inuubos ko matugunan ko lamang ang pangangailangan ng aking imahinasyon. Nakakatawang isipin na ang dati kong pangarap na maging sikat na manunulat ay tuluyang naglaho.


Sinisisi ko ang mundo, pati na rin ang aking sarili. Una ang mundo sapagkat sila ang nagbigay ng mga limitasyon ko. Sila ang pumuna sa mga dapat sanang ikalalakas ko. Sila ang pumili kung hanggang saan lang at kung ano ang dapat na maging ako.


Pangalawa ang aking sarili. Sapagkat naging mahina ako. Hindi ko naipagtanggol ang aking sarili. Hindi ko naipaglaban kung anong pinaniniwalaan ko. Bahagi rin ako ng mundo na nililimitahan ang mga kakayahan ko. 


Masasabing isang nakakaawang nilalang ako, alam ko man kung anong magagawa ko ay hindi ko pa ring kayang ipakita, sapagkat ayokong nakaririnig ng mali. Ayokong may napupuna sa akin. Dahil kapag may napuna sila sa akin, alam kong iyon lamang ang kanilang makikita.


Hindi na talaga nakapagtataka kung bakit dito ako naglalabas ng mga saloobin ko. Dito kasi, wala namang nakakakilala sa akin, walang nakakaalam kung sino ang taong nasa likod ng mga madadramang akda na nandito. Kung sakali man na may mapansing mali ang mga taong makakabasa ng mga gawa ko, okay lang, hindi naman nila alam kung anong mga nagawa ko noon.


Gustong kong bumuo ulit ng bagong papel. Yung walang lukot o kahit anong sulat. Sisiguraduhin kong ang pagkakataon na maibibigay sa akin ay hindi ko sasayangin, titiyakin ko na ang bagong ako ay hindi na muling mamamantyahan (nang matindi).



(c) Zaf

April 4, 2017




3 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Zaf
Sino ako?

Sino ang tunay?

20
Wala

Ikaapat na araw

00
Gin

Ikatlong araw

10

Stay connected to your stories

Unang araw

55 Launches

Part of the Life collection

Updated on April 07, 2017

Recommended By

(3)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.