launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Wala

Info

Bago ako matulog, madalas nag-iisip ako ng mga bagay-bagay o kaya naman inaalala ko ‘yung mga pinaggagawa ko sa buong araw.

Kaso isang beses—mali, maraming beses nauuwi na lamang ako sa pag-iisip tungkol sa wala. Wala. Wala nang kahit anong rumerehistro sa utak ko, wala na akong maramdaman kundi puro puwang dito sa loob ko. Wala naman akong sakit, at hindi rin naman ako gutom, pero pakiramdam ko parang wala akong laman.

Siguro, sa kakaisip ng kung ano-ano hindi na ako naging interesado sa mga bagay-bagay, o kaya naman napagod na akong mag-isip. Kaya iuuwi ko na lang sa himbing na tulog ang lahat, at ipapaubaya sa panaginip ko ang pagpapaginahawa ko sa sarili. Pagkatapos bukas nang umaga, pagkagising ko, wala na yung kakulangan ko sa sarili na hinahanap ko.

Kasalanan ‘to ng aking utak. Alam ko na kahit wala man akong maalala ni isa sa mga problema ko, sa likod ng isip ko, nagsama-sama ang mga galit, pagkapahiya, at kalungkutan. Kahit anong gawin ko, gano’n at gano’n pa rin ang nararamdaman ko, paulit-pulit.

Minsan, iaasa ko na lamang ito sa paglibang ko sa sarili ko. Uubusin ko ang oras ko sa internet kahit na alam kong panandalian lamang ang ibinibigay noong solusyon. O kaya naman sa paglalaro ng mga computer games upang mabaling ang atensyon ko sa iba.

Mali. Hindi dapat ako umaasa sa mga walang buhay na bagay dito sa mundo. Dapat iahon ko ang sarili sa pagkakalugmok. Walang mangyayari kung patuloy lang akong tatakas. Dapat isipin ko lahat ng negatibo kong nararamdaman dito sa kaloob-looban ko, dahil doon nagsisimula ang lahat, sa patong-patong na mga hinanakit.

Kaya ko itong malampasan, tiwala lang. Sarili ko mang utak ang kalaban ko, pag-aari ko pa rin iyon, at hindi ko isasakripisyo ang buong kong katawan para lang sa isang parte ng ulo ko. Alam ko na sa susunod, bago ako matulog, wala na akong iisipin na kahit ano, hindi dahil pakiramdaman ko wala akong laman, kundi dahil panatag na ang loob ko’t walang problema.



(c) Zaf


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Zaf
Sino ako?

Sino ang tunay?

20
Gin

Ikatlong araw

10
Anghel at Anino

Ikalawang araw

00

Stay connected to your stories

Wala

32 Launches

Part of the Life collection

Updated on April 12, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.