Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Araw-araw mo akong ginigising sa halimuyak ng barakong kapeng mas matapang pa sa'yo.
Araw-araw mo akong ginigising sa isang almusal na singbango ng mga pangako mo.
Araw-araw mo akong ginigising sa tunog ng orasan na para bang kasing bilis ng tibok ng puso mo.
Ngunit isang araw. Gumising ako. Gumising akong iba na ang ginigising mo.
May iba nang nakakaamoy ng halimuyak ng kapeng mas matapang pa sa boses mo.
May iba nang nakakalanghap ng almusal na sing-bango ng mga pangako mo.
May iba nang nakakarinig ng tunog ng orasan mong kasingbilis ng tibok ng puso mo.
Kapeng nanlamig.
Almusal na napanis.
Orasang walang baterya.
Ikaw na nanlamig.
Pangako'y isinantabi.
Tayo.
Tayo na walang gana.
Wala.
Wala nang tayo.
Kasalanan ko ba?
Baka oo, baka hindi.
Baka oo, kasi akala ko totoo na.
Baka hindi, kasi para sa'yo, wala lang pala.
Baka oo, kasi akala ko tama.
Baka hindi, kasi sabi mo tama na.
Baka oo, kasi akala ko seryoso na.
Baka hindi, kasi nagloko ka na pala.
Baka oo, kasi akala ko ako lang.
Baka hindi, kasi meron pa palang iba.
Baka oo, kasi sariwang sariwa pa ang mga alaala.
Baka hindi, kasi limot mo na.
Baka oo, kasi ikaw pa rin.
Baka hindi, kasi mahal pa rin.
he strong wind pushed my small head against the rubber black seat.
00Handa akong languyin ang lalim ng karagatan, mahanap lang ang susing makapagpapalaya sa posas.
10103 Launches
Part of the Poetry collection
Published on November 05, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.