Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
MASAYA. MALAYA. NAKALULULONG. Marahil ikaw ay nagtataka sa mga indibidwal na pilit-pilit ikinukulong ang kani-kanilang mga sarili sa isang kagamitan na kahit kailan, hindi sila kayang palayain. Kinakadena ang mga sarili habang hawak-hawak ang bawat susing pinagkaingatan ng sobrang tagal na panahon ngunit mas pinili pa ding naising huwag buksan at hayaan ang kanilang mga pagkataong mabilanggo at damhin ang amoy ng bawat bakal na nag-uunahang mangalawang sa hindi kanais-nais na kapalaran. Isang desisyong maaaring makapagpabago ng tumatakbo sa kani-kanilang nararamdaman at perspektibo sa kani-kanilang mga buhay. Isang kapalarang pwedeng magbunga ng magandang resulta sa bawat indibidwal na gustong punan ang bawat pagkukulang na hinahangad. Kung nanaisin man, handa ka bang makulong sa rehas ng kapalaran?
Sa libu-libong taong naninirahan sa bansang Pilipinas, karamihan dito ang mga indibidwal na pilit pilit nagtatago sa kanilang matatamis na ngiti. Kung saan ang bawat kurba ng kanilang mga labi ay pilit na sinasabayan ang bawat pagsayaw ng kanilang malalambot na buhok. Subalit sa kabila ng masasayang mga tawa at bungisngis na kanilang iwinawasiwas, may mga ligaw na luhang nais kumawala sa kanilang mapupungay na mga mata, mga tubig na namumuo sa mga matang minsang naging masaya ngunit walang sinumang makapagpapaliwanag kundi siya. Siya na alam ang bawat siphayo’t lungkot na iniinda sa napakatagal na panahon. Siya, na nakakaalam ng bawat bahagi ng kanyang buhay na minsang may kaagapay sa bawat alaalang pinaghatian. Siya na nagsibilbing dyornal ng kanyang kapalaran. Alam ang bawat araw, buwan at taon ng bawat litratong punong-puno ng masasayang karanasan kasama sila. Ang social media sites, ang nag-iisang bagay na alam ang bawat pag-angat at mapait na pagbagsak ng isang buhay.
Masasabing tunay ngang napakaraming nakulong sa social media sites, lalong lalo na ang mga kabataan sa makabagong henerasyon. Mga grupong walang habas sa paggamit para sa kanilang pampalipas na oras. Mga kabataang dito isinisigaw ng kani-kanilang mga damdamin. Kung saan kinadena nila ang kanilang mga sarili sa iilang mga letra upang makaani ng atensyon na ginawa sa hindi malaman na intensyon. Dahil ang alam nila, ito ang tanging bagay na makakaintindi ng bawat siglo ng kanilang buhay kaya mas pinili nilang gumamit ng posas habang hawak hawak ng ibang prinsipyo ang pananaw nila sa kanilang buhay. Isang bagay na nakakapagpalabas ng kanilang nararamdaman, hinaing man o kagalakan. Dahil sa tulong nito, nakakilala sila ng kaibigan ─ kaibigang hindi man nakikita ng harapan o napapakinggan ng personalan, masasabi nilang sila ang mga taong tanging naniniwala at nakakaintindi sa bawat pagtaas at pagbaba ng pang-araw-araw nilang buhay.
Nagdaan ang bawat araw, linggo, taon at buwan, mas lalong dumadami ang nakikilala ng isang binatilyo at dalagita. Kasabay ng bawat pagsibol ng bagong mga kaibigan ay ang patuloy na pagtapon ng susing itinago at pinagkaingatan sa matagal na panahon. Mas piniling mabilanggo sa sariling rehas habang hawak hawak ang prinsipyong walang nakapagpapaliwanag. Ang social media sites na naging sandigan sa bawat panahong nangungulila sa pag-aaruga ng minsang mapagmahal na ina at pagkauhaw sa lambing ng isang amang ngayo’y nalulong na sa droga. Mga oras na naghahanap ng sigla at gutom sa kwentuhan ng isang kabarkada at kaibigan na minsang ginagawa ngunit kahit kalian hindi na muling natagpuan sa kanila. Muli itong sinimulan sa kanya, ang social media sites.
Talagang darating sa buhay ng isang tao na malulunod sa mga salitang “Wala na”. Minsan darating ang puntong mapapaisip ka din talaga na wala na ang mga taong kasama mo sa bawat taon na nakalagay sa iyong mga talaan. Mapagtatanto ng isang tao na lahat ng mga tanong na ano, saan, kailan, paano at bakit ay tanging sa social media sites mo lang matatagpuan. Dahil ang mga kabataang minsang papel at panulat lang ang nasa kamay, mas pinili na nilang magposas ng iba’t ibang uri ng kagamitang kayang maintindihan ang nararamdaman ng bawat kinukubli ng kanilang bibig na may lamang iilang letra na walang makakaintindi. Sila ang mga taong kahit anong hila pabalik, hindi na kayang kumawala dahil kasabay ng pag-alis ng mahal nila sa buhay ay ang pagtapon ng sobrang daming susi sa isang maalon at malawag na karagatan kaya kahit na anong pilit, hindi na kayang kumawala. Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang sumamang mabilanggo sa rehas ng kapalaran? O mas pipiliin mong languyin ang malalim na karagatan upang mahanap ang mga susing makapagpapalaya sa halimuyak ng rehas ng kapalaran.
he strong wind pushed my small head against the rubber black seat.
00129 Launches
Part of the Life collection
Published on July 24, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.