Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Gusto kong kumawala sa pagitan ng mga hikbi at ngiti dahil pagod na kong mamili.
Gusto kong kumawala sa pagitan ng lahat ng bagay,
Dahil gusto kong mabuhay ng may kasiguraduhan at hindi na kailangan pa na pagisipan o magalinlangan,
Gusto kong mabuhay ng may kasiguraduhan.
Gusto kong kumawala sa pagitan ng mga hikbi at ngiti
At sa higpit ng yakap mo manatili.
Gusto kong kumawala sa pagitan ng “paano” at “hindi ko alam”
At manigurado sa mga katagang “kaya natin to” kahit hindi sigurado.
Gusto kong kumawala sa pagitan ng “pahinga” at “paalam na”
At lumaban lang, sumubok lang hangga’t may armas at lakas pa.
Nasa pagitan tayo ng pagkapit at sakit, pagbitaw at pagsikat ng araw
Nakatambay tayo sa pagitan ng mga katagang “paano na” at “mahal kita”
Hindi na malaman pa ang gagawin sa mga bagay na dati ay sigurado pa.
Ano na nga bang gagawin sa mga tanong na dati’y ang sagot ay “oo” pa, at ngayon ay “hindi” na?
Mahal, nagsimula tayo sa mga katagang “mahal kita” kahit ilang “kahit na” o “kahit pa”
Hanggang sa magtapos tayo sa tanong na hindi masagot-sagot, “pwede pa ba?”
Nagsimula tayo sa tanong na “bakit ako?” at nagtapos tayo sa “mahal, bakit hindi nalang ulit ako?”
Anong nagawa ko? Bakit hindi mo masagot-sagot yung mga tanong ko?
Na katumbas ay ang mga bote ng alak sa kwarto ko.
Dahil kahit papaano, nasasagot ng bawat tungga sa mga boteng ito ang bawat luhang umaagos mula sa mga mata ko,
Ang bawat lungkot na gustong isigaw ng puso ko
Pero bago pa ako malasing sa alak na to,
Lasing na ko sa bawat salita mo,
Gusto ko nang isuka kasabay ng lahat ng nainom ko ang bawat kataga ng mga pangako mo
Mga pangako mo na wala tayong dulo,
Na hindi mo hahayaang may luhang tumulo sa mga mata ko.
Pero taksil, taksil hindi lang ang mga luhang to kundi pati yung mga pangako mo
Nalasing ako, nalasing ako hindi lang sa mga alak na to,
Kundi pati sa bawat ritmo ng mga awit ko tungkol sayo,
Sa bawat liriko ng mga tulang isinulat ko para sayo,
Sa bawat gabing iginugol ko sa pagiisip sayo, sa pagiisip sa kung anong meron tayo, kung meron pa nga bang tayo,
Nasayang lang ang oras ko.
Nasayang lang ang oras ko dahil paano na nga ba kung sa bawat halik ko ay buntong hininga na lamang ang sagot mo?
Kung sa bawat init ng yakap ko, lamig ang isinasagot mo?
Kung sa bawat hawak ko sa mga kamay mo, ibang kamay na ang hinahanap mo, paano?
Kung ibang kamay na ang laging hawak mo, paano?
Mahal, gustuhin ko man kumawala sa pagitan ng mga hikbi at ngiti,
At sa higpit ng yakap mo manatili, patawad.
Gustuhin ko man kumawala sa pagitan ng “paano” at “hindi ko alam”
At manigurado sa mga katagang “kaya natin to” kahit hindi sigurado, patawad.
Gustuhin ko man kumawala sa pagitan ng “pahinga” at “paalam na”
At lumaban lang, sumubok lang hangga’t may armas at lakas pa, patawad.
Dahil sa pagkakataong ito, pipiliin ko ang ngumiti.
Mahal, pipiliin ko ang ngumiti at hindi manatili, ayoko na
Pipiliin kong bitawan ang mga armas dahil wala ng lakas, ayoko na
Pipiliin ko yung “paalam na” kesa sa “mahal kita,” ayoko na
Dahil hindi na gumagana pa ang mga katagang “mahal kita”
Hindi na gumagana pa ang mga katagang “mahal kita”
Dahil may mahal ka nang iba.
Paalam na.
Dahil may mahal ka nang iba.
Words by: Meg
August 12, 2017
First spoken poetry written
Eto na ba yung punto kung saan itetext mo ako, sasabihing "usap tayo, importante to."
93135 Launches
Part of the Poetry collection
Published on November 28, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.