Are you sure you want to report this content?
Pwede bang itago mo nalang yang nararamdaman mo, at hayaan mo ako na ayusin to?
Dear future ex ko,
Eto na ba yung punto kung saan itetext mo ako, sasabihing "usap tayo, importante to." Tapos kakabahan ako at sasabihin mo, "hindi ako ang deserve mo." Pagkatapos, heto, maghaharumentado nanaman ang puso ko.
3 words, 11 letters,
Break na tayo.
"Ayoko," sabi ko.
Nagmakaawa ako na pagbigyan mo.
Aayusin ko lang yung sinira mo, magsosorry ako kahit kasalanan mo.
Aakuin ko yung mga problema mo, yayakapin ko yung mga ayaw mo.
Iiiyak ko yung lungkot mo, isisigaw ko yung galit mo.
Isasakripisyo ko yung natitirang ako, itataya ko pati pamato ko.
Habang tinatanong ko sa sarili ko, "anong kulang ko?"
Habang sinisisi ko yung sarili ko, "ano bang nagawa ko?"
Malabo na yung dating malinaw,
Marupok na yung dating matibay,
Ako nalang yung dating tayo,
Luma na yung dating bago.
Hanggang sa napagtanto ko,
Na kesa magmukmok ako,
Magmakaawa sayo,
Tunggain ang alak sa baso,
Sindihan ang sigarilyo,
Tumula para sayo,
Sayangin ang bawat liriko,
Umasang magbabago yung dating gago,
Last na to.
Dahil tatanggapin ko na na ikaw ay future ex ko.
Tatanggapin ko na na malabo na yung dating malinaw,
Marupok na yung dating matibay,
Ako nalang yung dating tayo,
At luma na yung dating bago.
Sige na, payag na ko,
Ako na ngayon ang ex mo,
At ikaw ang ex ko,
Wala na ang future ex na ibinibida ko,
Dahil una sa lahat, wala na ring future yung "tayo,"
Pangalawa, wala na miski yung "tayo."
Dahil tinatanggap ko na,
Na luma na yung dating bago.
Nagmamahal kahit nasaktan at nalumaan,
Ex mo
Gusto kong kumawala sa pagitan ng lahat ng bagay...
00130 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on May 16, 2017
(9)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.