Are you sure you want to report this content?
Ilan jeep na yung dumadaan pero wala ka padin. Sa bawat taong bababa iniisip ko na ikaw na 'yon pero hindi, nagkakamali ako.
Sa grupo ng mga taong sabay sabay lumalakad habang nagtatawanan tinatanaw kita, iniisip ko na baka kasama ka nila, na baka isa ka sa kanila pero tulad nga ng nauna kong pag-aakala nagkamali ulit ako.
Mahigit limang oras na kong nag-iintay sa'yo.
Alam kong alam mo kung saan ta'yo magkikita. Kung saan mo ko makikitang nakaupo at nag-aabang sa'yo. Dito padin 'yon sa dating lugar, sa iisang upuan at sa kaparehas na oras na noon pa man ay napag-usapan na natin dalawa--- ngunit wala ka padin.
Ang tagal mo naman naiinip na ko; inip na inip na ko.
"Darating pa ba siya?" pagtatanong ko sa sarili, ngunit bigo padin akong makarinig ng positibong sagot kahit sa isipan ko.
Pasado alas-otso na ng gabi.
Mauuna na ko. Babalik na lang ako dito, magbabakasakali akong dumating ulit siya. Alam naman niyang maghihintay ako dahil sa paulit ulit kung sinabi sa kanya sa liham na pinadala ko maghihintay ako. Hangga't wala akong natatanggap na sagot--- maghihintay ako.
Mag iintay ako dahil pinanghahawakan ko ang huling katagang iniwan mo. Na pagod ka lang pero mahal mo padin ako. Sana lang sa pagpapahinga mo maalala mong mayroong naghihintay sa'yo, nag-aabang na darating ka at nagtitiyagang isiping darating ka talaga.
Babalik ako at maghihintay padin ako sa'yo.
We are both strangers in this world but first time I met you there is something i felt for you.
0020 Launches
Part of the Love collection
Published on July 02, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.