Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Iba ka sa mga babaeng aking nakilala. Kakaiba ka.
Minsan, isang araw nakita kita. Nakaupo at malayo ang tanaw. Sa aking pagtitig sa'yong mukha tila ba— sa isang katulad mo'y hirap ang pag ngiti, ang pagtawa at maging ang pagsabi ng tunay na nararamdaman.
Para sa’kin ika’y mahirap masungkit— mahirap mapa-ibig. Ngunit sinubukan ko padin,
Lumapit ako, kinilala kita ng mabuti. Inalam ko ang mga kahinaan mo’t lakas. Nananatili ako sa’yong tabi hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan maging sa pagkulay ng bahag hari sa’yong buhay.
Umiiyak ka— nakita ko. Sabi mo di mo na kaya, wala akong masagot kasi do’n ko pa lang nakita ang tunay na ikaw; ang tunay na mahinang babae na naghahanap ng matibay na sandalan.
Hinayag mo ang lahat sa’kin. Takot kang magmahal dahil sa ayaw mong maging masaya; ayaw mong ngumiti dahil sa natatakot kang muling lumuha sa mga susunod na sandali; ayaw mo dahil sa alam mo ang mga susunod na mangyayari kaya’t sinanay mo na ang sarili mong maging mag-isa; maging malungkot at magbigay ng limitasyon sa’yong pagngiti.
Kibit balikat kong dininig ang iyong hinanakit sa sarili. Sa huli napatanong na lamang sa sarili.
"Ako ba'y mahal na niya?"
We are both strangers in this world but first time I met you there is something i felt for you.
0082 Launches
Part of the Love collection
Published on July 26, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.