Are you sure you want to report this content?
Baka nga. Siguro. Ata. Oo. Hindi pala. Di ko alam. Basta.
Ang hirap ipaliwanag. Ang alam ko lang nasanay akong naririyan siya. Naka-abang, naghihintay at nakatanaw. Palagi akong inaalala, palagi akong inuunawa, palagi akong pinapakinggan at palagi akong sinusunod sa mga bagay na gusto ko para sa ikabubuti niya.
Mahalaga siya kasi importante siya sa'kin. Kailan naman hindi gan'to ang nararamdaman ko para sa kanya. Basta na lang napaisip ako isang gabi kung ano na nga ba 'to talaga. Di ko naman masagot at di ko rin naman kasi maisip kung ano ba talaga ito.
Ang labo pero may isang malinaw at 'yon ay ang pinapakita niyang pagpapahalaga sa akin na kailanman di ko naramdaman sa ibang taong nasa aking paligid. May mga sandali ding napapangiti niya ko kahit hindi ko gusto, pilit man pero sa tingin ko nababago nito ang kalungkutang nararamdaman ko sa loob looban ko.
Marami pa siyang nagagawa para sa'kin, isa isahin ko man ang mga 'to di ko padin maiintindihan ang nararamdaman ko. Magulo dahil di ko alam ang lahat at maging ang mga sagot sa tanong na patuloy tumatakbo sa utak ko.
Gusto ko na ba siya? Mahal ko na nga ba siya? O unti unti na kong nahuhulog sa kanya?
Ano ba kasi 'to? Di ko maintindihan.
Baka nga. Siguro. Ata. Oo. Hindi pala. Di ko alam. Basta.
Ang alam ko lang sa mga sandaling 'to siya ay mahalaga sa'kin. At ayokong mabago ang kung anong meron kami sa ngayon.
We are both strangers in this world but first time I met you there is something i felt for you.
0026 Launches
Part of the Love collection
Published on July 06, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.