launchora_img

Illustration by @luciesalgado

KUBLING SALITA SA ISANGDAA’T APATNAPUNG LETRA

Info

“Tigil na.”

“Tama na.”

“Ayoko na.”

“Hindi ko na kaya.”


Nakarehas sa kulungan ng nakaraan

Gustong-gustong kumalas sa posas

Kailan kaya ako makakatakas?


Pilit pilit na itinatapon ang bawat bintang

Pilit pilit na kumakawala sa tanikalang hirang

Lumuluha ang damdamin sa hinagpis na ramdam

Bagkus biglang nawala sa isang ngiting hiram


“Nay, tulong”, “Pa, tama na, wag ka nang malulong”

Marahil nabingi ang mga magulang na nariyan

Ang naging sandigan ay ang tawag ng mga kaibigan

Mga taong bumuo sa isang parteng nagkulang


Salitang masasakit na sa puso’y dumudurog

Taong inaakala’y, hindi pala sila ang huhubog

Mga tinatapong mga bwelta’y, siyang nagpapalubog

Sa pagkataong minsang pinagsikapang mahinog


Nawala na ang bawat lambing at galak sa mga mata,

Maging ang tuwa sa puso’y, siphayo ang natira

Pilit pilit na pinagkakasya ang nararamdaman

Sa Isangdaan at apatnapung mga letra


Minsan akong tumayo at sinunod ang sigaw ng damdamin

Sinundan ko ang ilaw ngunit iba ang hinihiling

“Ikaw ang sagot.”, “Ito ang tama.”, “Siya ang mali.”

Napakaraming tanong, sino ng aba ang nagkamali?


Ang bawat masasayang kwentong minsang ibinahagi

Ay napalitan ng pagkatahimik at pagkikimkim

Ng nararamdamang tanging isang papel lang ang nakakaalam

Gamit ang isang tintang naghihingalo ng hindi nila alam


Wala na ang bawat salitang “Kumusta ka?” at “Ayos ka lang ba?”

Nawala na rin ang mga salitang, “Paalam!” at “Mag-iingat ka!”

Nawalan na ng pakialam sa mundong ginagalawan

Kailan kaya babalik, ang samahang ginampanan?


Lumilipas ang bawat oras at ang bawat panahon,

Nagdaan na din ang bawat araw, buwan at taon,

Ngunit kailan ko kaya mapagtatanto,

Na ang isangdaan at apatnapu’y,

Hindi sapat sa nararamdaman ko

Hindi ito sapat para mahanap ko ang ako

Hindi ito sapat upang magkakulay ang itim na mundo

At lalong hindi sapat ang isangdaan at apatnapung letra

Dahil ang kailangan ko’y kayo, upang ma

“Kaya ko na.”


1 Launcher recommend this story
launchora_img
launchora_imgKyla Tenorio
6 years ago
pilipino
launchora_imgKyla Tenorio
6 years ago
uyyyy
♥️♥️
More stories by Kimberly Joyce
An Open Letter To A Special Man This Christmas

Remember that you are my favorite gift.

00
Do you remember the very first time?

he strong wind pushed my small head against the rubber black seat.

00
BAKA OO. BAKA HINDI. KAPENG NANLAMIG.

Wala. Wala nang tayo. Kasalanan ko ba?

10

Stay connected to your stories

KUBLING SALITA SA ISANGDAA’T APATNAPUNG LETRA

88 Launches

Part of the Life collection

Published on July 12, 2017

Recommended By

(1)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.