Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Pwede pa lang malunod kahit walang tubig,
Yung tipong 'di ka makaahon kahit iyong ibig,
Hindi ka makahinga kahit mula sa iyong bibig,
Tila ba may humihilang bakal pa-ilalim na malamig.
Pagod na ang kamay sa kakakampay,
Gayun din ang paa sa kaka-padyak,
Wala ng lakas kahit sa pag-iyak,
Dahil wala din namang patutunguhang tiyak.
Pwede pala malunod nang bigla na lang,
Yung may humila sayo ng bigla na lang,
Tapos bigla kang iiwan ng ganun lang,
Dahil akala nila kaya mo kahit ikaw lang.
Oo pwede ngang malunod sa isang kisap mata,
Dahil 'yan ang nadama ko nang lumisan ka,
Lunod na lunod ako sa sakit na nadarama,
Nalunod ako sa mga pangako mong ngayo'y hangin na.
Hanggang ngayon ay hindi mawari,
Sa anong paraan ba ako nagkamali?,
Bakit hinila mo ako ngunit iniwang pilit?,
Hinila sa karagatan na puno ng sakit.
Ngayon ay unti-unti na naman akong nalulunod,
Kaya't ang tulang ito'y nais ko ng matapos,
Ngunit pangako ito'y muli kong dudugtungan,
Sa kung saan ako'y marunong ng lumangoy sa karagatan.
77 Launches
Part of the Love collection
Updated on July 13, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.